Sunday, March 01, 2026

Reflection for March 2 Monday of the Second Week of Lent: Luke 6:36-38


Gospel: Luke 6:36-38  
Jesus said to his disciples: "Be merciful, just as your Father is merciful."Stop judging and you will not be judged. Stop condemning and you will not be condemned. Forgive and you will be forgiven.

Give and gifts will be given to you; a good measure, packed together, shaken down, and overflowing, will be poured into your lap. For the measure with which you measure will in return be measured out to you."

+ + + + +  + +
Reflection:
Are we merciful, forgiving, and not quick to judge?

Jesus gives us precious lessons about being merciful because He Himself is always merciful to us. No matter how sinful we are, His unfathomable mercy is always before us, patiently waiting for us to return to Him. Each day, we continue to experience His compassion and understanding, even when we fall short of His will.

Jesus also teaches us about being judgmental. We are not to judge because we, too, will be judged. In hindsight, who are we to judge our fellow human beings? We are but a speck in this world, and we are sinners as well in need of God’s mercy. Do we judge because we are wealthier, more educated, or more powerful than others? Before God, we are all equal and dependent on His grace.

Jesus tells us not to condemn. Instead of condemning, why not encourage and become instruments of healing and conversion? We may not always realize it, but our words are powerful. When we are quick to condemn, we may push those we judge to the brink of discouragement or desperation, and the result may be painful and tragic. But when we speak with kindness and understanding, we can become channels of God’s love and mercy.

On forgiveness, Jesus teaches us to always be forgiving. Why is it that some of us find it difficult to forgive? Perhaps the love of Jesus has not yet fully taken root in our hearts. When we refuse to forgive, we only burden ourselves with unnecessary pain. Forgiveness frees not only the person who wronged us but also our own hearts. Let us learn to let go of anger and resentment. Let us forgive sincerely and entrust everything to our merciful God.

On giving, Jesus teaches us to give from our hearts and not merely from our excess, for many of us give only what we no longer need. True giving comes from love and generosity. When we give sincerely and freely, God blesses us in ways beyond our understanding, and what we give returns to us a hundredfold.

Let us reflect on these priceless lessons from Jesus — mercy instead of judgment, encouragement instead of condemnation, forgiveness instead of resentment, and generosity instead of indifference.

As recipients of God’s unfailing mercy, are we willing to become instruments of His mercy by choosing to forgive, to refrain from judging, and to give from our hearts today? — Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Marso 2 Lunes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma: Lucas 6:36-38


Mabuting Balita: Lucas 6:36-38
Noong panahong iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama." "Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng inyong Diyos.

Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo."

+ + + + + + +
Repleksyon:
Tayo ba ay mahabagin, mapagpatawad, at hindi madaling humusga?

Ibinibigay sa atin ni Jesus ang mahahalagang aral tungkol sa pagiging mahabagin sapagkat Siya mismo ay laging mahabagin sa atin. Gaano man tayo kamakasalanan, ang Kanyang walang hanggang awa ay patuloy na nag hihintay sa atin, handang tumanggap sa atin sa tuwing tayo ay lalapit sa Kanya. Sa bawat araw ng ating buhay, patuloy nating nararanasan ang Kanyang malasakit at pag-unawa kahit tayo ay nagkukulang.

Tinuturuan din tayo ni Jesus tungkol sa paghusga. Hindi tayo dapat humusga sapagkat tayo man ay huhusgahan din. Kung ating iisipin, sino ba tayo upang humusga sa ating kapwa? Tayo man ay mga makasalanan ding nangangailangan ng awa ng Diyos.

Humuhusga ba tayo dahil tayo ay mas mayaman, mas nakapag-aral, o mas makapangyarihan kaysa sa iba? Sa harap ng Diyos, tayong lahat ay pantay-pantay at umaasa lamang sa Kanyang biyaya.

Sinasabi sa atin ni Jesus na huwag tayong humatol o magparusa sa kapwa. Sa halip na humatol, bakit hindi tayo magbigay ng lakas ng loob at maging daan ng paggaling at pagbabago? Maaaring hindi natin namamalayan, ngunit napakalakas ng kapangyarihan ng ating mga salita.

Kapag tayo ay madaling humatol, maaari nating itulak sa matinding kalungkutan o kawalan ng pag-asa ang ating kapwa, at maaaring maging masakit at mabigat ang bunga nito. Ngunit kapag tayo ay nagsasalita nang may kabutihan at pag-unawa, nagiging daluyan tayo ng pag-ibig at awa ng Diyos.

Tungkol naman sa pagpapatawad, itinuturo sa atin ni Jesus na tayo ay laging magpatawad. Bakit kaya may mga taong nahihirapang magpatawad? Marahil ay hindi pa lubusang nananahan sa kanilang puso ang pag-ibig ni Jesus. Kapag tayo ay hindi nagpapatawad, ay sinasaktan lang natin ang ating sarili dahil may bigat tayong dinadala na na pwede naman nating hindi na dalhin pag tayo ay nagpatawad.

Ang pagpapatawad ay nagpapalaya hindi lamang sa nagkasala laban sa atin kundi pati na rin sa ating sariling puso. Kaya matuto tayong bitawan ang galit at sama ng loob. Magpatawad tayo nang taos-puso at ipaubaya ang lahat sa ating mahabaging Diyos.

Tungkol naman sa pagbibigay, itinuturo sa atin ni Jesus na magbigay tayo mula sa ating puso at hindi magbigay dahil hindi na natin kailagan ang mga bagay na ating ibibigay, sapagkat marami sa atin ang nagbibigay lamang ng hindi na natin kailangan.

Ang tunay na pagbibigay ay nagmumula sa pusong marunong magmahal at maging bukas-palad. Kapag tayo ay nagbibigay nang maluwag sa kalooban, pinagpapala tayo ng Diyos sa paraang higit pa sa ating inaasahan, at ang ating ibinibigay ay bumabalik sa atin nang masagana.

Magnilay tayo sa mahahalagang aral na ito ni Jesus — ang pagiging mahabagin sa halip na mapanghusga, ang paghihikayat sa halip na paghatol, ang pagpapatawad sa halip na pagtatanim ng sama ng loob, at ang pagbibigay nang bukal sa puso.

Tayo na tumatanggap ng walang hanggang awa ng Diyos — handa ba tayong maging daluyan din ng Kanyang awa sa pamamagitan ng pagpapatawad, pag-iwas sa paghusga, at pagbibigay nang bukal sa puso simula ngayon?— Marino J. Dasmarinas