LET US PRAY FOR THE HEALING OF POPE FRANCIS.

Sunday, April 06, 2025

Ang Mabuting Balita Abril 7 Lunes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma: Juan 8:12-20


Mabuting Balita: Juan 8:12-20
Sinabi ni Jesus sa mga Judio: “Ako ang liwanag ng mundo. Magkakaroon ng liwanag ng buhay ang sumusunod sa akin at hinding-hindi lalakad sa karimlan.”Sinabi kung gayon sa kanya ng mga Pariseo: “Ikaw ang nagpapatotoo sa iyong sarili. Hindi mapanghahawakan ang patotoo mo.” 

Sumagot si Jesus sa kanila: “Kung ako man ay nagpapatotoo sa aking sarili, mapanghahawakan naman ang patotoo ko, sapagkat alam ko kung saan ako galing at kung pasaan ako. Pero hindi n’yo alam kung saan ako galing o kung pasaan ako. Naghuhukom kayo ayon sa kaya ng laman; hindi ko hinuhukuman ang sinuman. 

Kung sakali ma’t ako’y maghuhukom, mapanghahawakan ang paghuhukom ko sapagkat hindi ako nag-iisa, kundi ako pati na ang Amang nagsugo sa akin. “Nasusulat sa Batas n’yo na tama ang pagtotoo ng dalawang tao. Ako ang nagpatotoo sa aking sarili at nagpapatotoo tungkol sa akin ang Amang nagsugo sa akin.” 

Kaya sinabi nila sa kanya: “Nasaan ba ang Ama mo?” Sumagot si Jesus: “Ni ako o ang aking Ama ay hindi n’yo kilala. Kung kilala n’yo ako, kilala n’yo rin sana ang aking Ama.”

Binigkas ni Jesus ang mga pananalitang ito sa may Kabangyaman nang nangaral siya sa Templo. At walang dumakip sa kanya, sapagkat hindi pa sumasapit ang oras niya.

No comments: