Alam mo ang mga utos: ‘Huwag kang papatay; huwag kang
mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong
pagsaksi; huwag kang magdadaya; igalang mo ang iyong ama’t ina.’” “Guro,” sabi
ng lalaki, “ang lahat po ng iya’y tinutupad ko na mula pa sa aking pagkabata.”
Magiliw siyang tiningnan ni Hesus, at sinabi sa kanya, “Isang
bagay pa ang kulang sa iyo. Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at
ipamigay sa mga dukha ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa
langit.
Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.” Namanglaw ang lalaki
nang marinig ito, at malungkot na umalis, sapagkat siya’y napakayaman.
Tiningnan ni Hesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa kanyang mga alagad,
“Napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos.” Nagtaka
ang mga alagad sa pananalitang ito.
Muling sinabi ni Hesus, “Mga anak, talagang napakahirap mapabilang
sa mga pinaghaharian ng Diyos! Madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng
karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.” Lalong nagtaka
ang mga alagad, kaya’t sila’y nagtanungan, “Kung gayo’y sino ang maliligtas?”
Tinitigan sila ni Hesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit hindi ito mahirap sa Diyos. Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”
No comments:
Post a Comment