Noong
panahong iyon, sinabi kay Hesus ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong
nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo, at pinagbawalan
namin sapagkat hindi natin siya kasamahan.”
Ngunit
sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos
gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa
akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.
No comments:
Post a Comment