Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay kasama
ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi
siya kasama, siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. Hindi
nila siya matagpuan, kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin.
At nang ikatlong araw, natagpuan nila si
Hesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila
at nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang
katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita.
Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman
ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa
paghahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo
alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan
ang pananalitang ito.
Siya’y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.
No comments:
Post a Comment