Noong si Hesus ay nasa isang bayan, isang lalaking ketongin ang lumapit sa kanya. Pagkakita ng ketongin sa kanya, ito’y nagpatirapa at namanhik sa kanya. “Ginoo, kung ibig po ninyo, ako’y inyong mapagagaling.” Hinipo siya ni Hesus at ang sabi, “Ibig ko; gumaling ka!” Pagdaka’y nawala ang kanyang ketong.
At pinagbilinan siya ni Hesus: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa saserdote at pasuri. Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na.” Ngunit lalo pang kumalat ang balita tugkol kay Hesus, kaya’t dumagsa ang napakaraming tao upang makinig at magpagamot sa kanya. At si Hesus ay laging nagpupunta sa ilang na pook at nananalangin.
No comments:
Post a Comment