Nang panahong iyon, nasa ilang si Juan na anak ni Zacarias. Dumating sa kanya ang salita ng Diyos, kaya’t nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan at nangaral. “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos,” wika niya. “Sa gayo’y natupad ang nasusulat sa aklat ni propeta Isaias”
“Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang: ‘ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas! Tatambakan ang bawat lambak, at titibagin ang bawat burol at bundok.Tutuwirin ang daang liku-liko, at papatagin ang daang baku-bako.
At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na
gagawin ng Diyos.
No comments:
Post a Comment