Friday, February 23, 2024

Ang Mabuting Balita para Pebrero 25, Ikalawang Linggo ng Kuwaresma: Marcos 9:2-10


Mabuting Balita: Marcos 9:2-10
Noong panahong iyon, umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama kundi sina Pedro, Santiago at Juan. Samantalang sila'y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus, nagningning ang kanyang kasuutan na naging puting-puti, anupa't walang sinumang makapagpapaputi nang gayon. 

At nakita ng tatlong alagad si Moises at si Elias, na nakikipag-usap kay Jesus. Sinabi ni Pedro kay Jesus, "Guro, mabuti pa'y dumito na tayo. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias." Hindi nalalaman ni Pedro ang kanyang sinasabi sapagkat masyado ang takot niya at ng kanyang mga kasama. 

At nililiman sila ng isang alapaap at mula rito'y may tinig na nagsabi, "Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!" Pagdaka, tumingin ang mga alagad sa paligid nila at nakitang wala na silang kasama roon kundi si Jesus.

Habang bumababa sila sa bundok ay mahigpit na itinagubilin sa kanila ni Jesus: "Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nakita hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao." 

No comments: