Saturday, February 17, 2024

Ang Mabuting Balita para Pebrero 18, Unang Linggo ng Kuwaresma: Marcos 1:12-15


Mabuting Balita: Marcos 1:12-15
Noong panahong iyon si Jesus ay, agad pinapunta ng Espiritu sa ilang. Nanatili siya roon ng apatnapung araw, na tinutukso ni Satanas. Maiilap na hayop ang naroon ngunit si Jesus ay pinaglingkuran ng mga anghel. 

Pagkatapos dakpin si Juan, si Jesus ay nagtungo sa Galilea at ipinangaral ang Mabuting Balitang mula sa Diyos. "Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo't talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito."

No comments: