Monday, December 12, 2022

Ang Mabuting Balita para Miyerkules Disyembre 14 San Juan dela Cruz, pari at pantas ng Iglesya (Paggunita): Lucas 7:19-23


Mabuting Balita: Lucas 7:19-23
Noong panahong iyon, tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad at pinapunta sa Panginoon upang itanong, “Kayo po ba ang paririto, o maghihintay pa kami ng iba?” Pagdating nila kay Hesus ay kanilang sinabi, “Pinaparito po kami ni Juan Bautista at ipinatatanong kung kayo ang paririto o maghihintay pa kami ng iba.”  

Nang mga sandaling yaon ay maraming pinagaling si Hesus: mga pinahihirapan ng karamdaman, at mga inaalihan ng masasamang espiritu. Ipinagkaloob niyang makakita ang mga bulag. Sinabi niya sa kanila pagkatapos, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ang inyong nakita at narinig: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!” 

No comments: