Saturday, May 14, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Mayo 15, Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 13:31-33a, 34-35


Mabuting Balita: Juan 13:31-33a, 34-35
Pagkaalis ni Judas mula sa Huling Hapunan, sinabi ni Jesus, "Ngayo'y mahahayag na ang karangalan ng Anak ng Tao; at mahahayag din ang karangalan ng Diyos sa pamamagitan niya. At kung mahayag na ang karangalan ng Diyos, ang Diyos naman ang maghahayag ng karangalan ng Anak, at gagawin niya ito agad. Mga anak, kaunting panahon na lamang ninyo akong makakasama.

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko."

No comments: