Thursday, May 26, 2022

Ang Mabuting Balita Mayo 28 Sabado sa Ika- 6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 16:23b-28


Mabuting Balita: Juan 16:23b-28
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Tandaan ninyo: anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ibibigay niya sa inyo. Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa pangalan ko; humingi kayo at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan."  

"Ang mga ito'y sinabi ko sa inyo ng patalinghaga. Subalit darating ang panahon na hindi na ako magsasalita sa inyo ng gayon; tuwiran ko nang sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama. Sa araw na yao'y hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan; at hindi ko sinasabi sa inyo na dadalangin ako sa Ama para sa inyo, sapagkat iniibig nga kayo ng Ama. Iniibig niya kayo sapagkat ako'y iniibig ninyo at naniniwala kayong ako'y nagmula sa Diyos. Ako'y mula sa Ama at naparito sa sanlibutan; ngayo'y aalis ako sa sanlibutan at babalik sa Ama."

No comments: