Saturday, November 28, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Nobyembre 29, Unang Linggo ng Adbiyento: Marcos 13:33-37


Mabuting Balita: Marcos 13:33-37
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 33 Mag-ingat kayo at magpuyat: hindi nga ninyo alam kung kailan ang oras. 34 Ipagpalagay natin na nangingibang bayan ang isang tao. Iniiwan niya ang kanyang bahay at ipinagkakatiwala ang lahat sa kanyang mga utusan. 

May kanya-kanya silang tungkulin at inutusan niyang magbantay ang bantay pinto. 35 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam ang oras ng pagdating ng may-ari, kung hapon o hating-gabi o madaling araw. 36 At baka bigla siyang du-mating, at madatnan kayong natutulog. 37 Kaya sinasabi ko rin sa lahat ang sinasabi kong ito sa inyo: Magbantay.”

No comments: