+ + + + + + +
Mabuting
Balita: Juan 3:13-17
(Sinabi
ni Jesus kay Nicodemo) 13 Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumaba
mula sa langit, ang Anak ng Tao. 14 At kung paanong itinaas ni Moises ang
tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao,
15 upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang
hanggan. 16 Sapagkat gayon na lamang
ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang
kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 sinugo ng Diyos ang kanyang
Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga
ito sa pamamagitan niya.
+ + + + +
+ +
Repleksyon:
Bakit ba
tayo may mga paghihirap dito sa mundo? Tayo ay may mga paghihirap dahil ayaw
nating yakapin ang pag-ibig ng Diyos. Ang ating mga paghihirap ay hindi mga
paghihirap na ginawa ng Diyos para sa atin. Sa dahilan na tayo mismo kadalasan
ang gumagawa nito at pag tayo ay nag hihirapan na ay karamihan sa atin ay ang
sinisisi ay ang Diyos.
Isipin
nalang po natin ang napakaraming giyera na ginagawa ng mga lider nga mga
makapangyarihan mga bansa. Isipin nalang natin ang ating mga personal at mga
problema sa pamilya na walang ibang may gawa kundi tayo rin naman. Pero sa
gitna ng ating mga ginagawang mga problema o sa gitna ng ating mga paghihirap
ay may pag hilom at pag-asa at ito ay gustong ibigay sa atin ni Jesus na naka
pako sa krus.
Marahil
ay karamihan po sa atin ay ayaw tingnan si Jesus na nasa krus dahil ito ay nag
papaalala sa atin ng pagpapakasakit ng ating panginoong Jesu Kristo.
Nagpapaalala ito sa atin na ang paghihirap ay may kaakibat na mga sakripisyo at
mga problema. Pero paano po natin ma didiskubre na may pag-asa, may
pagpapagaling at kaligtasan sa krus ni Jesus kung hindi tayo titingin dito kung
hindi natin yayakapin ito at kung hindi natin hahawakan ito?
Sa ating
unang pagbasa ang mga taong na iniligtas ni Moises sa pagka alipin ng Paraon ay
gumawa ng kanilang sariling problema. Nang sila ay mag reklamo kay Moses
tungkol sa kanilang paghihirap sa ilang. At ng dahil sa kanilang pag rereklamo
sila ay pinarusahan ng Diyos. Pero sila rin naman ay ililigtas ng mahabaging
Diyos na ito kung sila ay titingin sa ahas na tanso na nasa dulo ng tikin. Alam
po natin na ang tansong ahas na nasa dulo ng tikin na gumamot sa kanila ay
kulmakatawan kay Jesus na nakapako sa krus sa ating mabuting balita.
Marami po
tayong mga problema at paghihirap dito sa mundong ito at karamihan po nito ay
tayo rin ang may gawa na sa kasamaang palad ay isinisisi natin sa Diyos. Pero
ganon na lamang tayo kamahal ng Diyos na ibinigay niya sa atin ang kanyang
bugtong na anak na mamatay sa krus para sa ating kaligtasan.
Mayroon
kabang krus na nakapako si Jesus sa bahay mo o sa kuwarto mo? Tingnan mo ito,
hawakan mo ito at boung pananampalatayang hilingin mo kay Jesus. Na gamutin
niya ang lahat ng iyong mga pinagdadaanang pasakit, problema at pagdurusa. - Marino J. Dasmarinas