Mabuting
Balita: Mateo 16:21-27
Mula noon
ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi
niya, "Dapat akong magtungo sa Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa
kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan.
Ako'y papatayin, ngunit sa ikatlong araw ako'y muling mabubuhay."
Dinala
siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagalitan, "Panginoon, huwag
nawang itulot ng Diyos! Kailanma'y hindi iyan mangyayari sa inyo." Ngunit
hinarap siya ni Jesus at sinabihan, "Umalis ka sa harapan ko, Satanas!
Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao."
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa
akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang
krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay
mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay
magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya
ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang
maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay? Sapagkat darating
ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel, at taglay ang dakilang
kapangyarihan ng kanyang Ama. Sa panahong iyo'y gagantimpalaan niya ang bawat
tao ayon sa ginawa nito.
+ + + + +
+ +
Repleksyon:
Kailan po
ba tayo nag kakaroon ng totoong ugnayan kay Jesus? Ito ay pag tayo ay
pinahihirapan ng ating mga problema at pasakit sa buhay. Dito tayo nag kakaroon
ng personal at mas malalim na ugnayan kay Jesus. Hindi tayo mag kakaroon ng malalim na ugnayan
kay Jesus pag tayo ay nag e enjoy sa mga kasaganahan ng mundo. Palaging sa
pamamagitan ng ating mga problema at pasakit lamang mas lilinaw ang presenya ni
Jesus sa ating mga buhay.
Nang
sinabi ni Jesus na siya ay magtutungo sa Jerusalem at magdadanas ng maraming
hirap. Sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari mga tagapagturo ng
Kautusan at papatayin. Ay nagalit sa kanya si Pedro at sinabi pa ni Pedro kay
Jesus "Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Kailanma'y hindi iyan
mangyayari sa inyo." Bakit nga ba ayaw ni Pedro sa mga pananalitang ito ni
Jesus? Siya ba ay nag aalala sa kaligtasan ni Jesus? O baka naman nag aalala si
Pedro na pag pinahirapan si Jesus at pinatay sila rin ay makakaranas ng pag hihirap?
Pero
ganun paman ay sinabi ni Jesus sa kanila na kung talagang gusto nilang sumunod
sa kanya. Kailagan handa rin silang kalimutan
ang kanilang mga sarili at mag pasan ng kanilang sariling krus. Dahil sa
pamamagitan lamang nito sila makakasumpong ng malalim na ugnayan kay Jesus.
Hindi tayo magkakaroon ng malalim na ugnayan kay Jesus kung ayaw nating yumakap
sa ating mga pagsubok sa buhay at panay lang tayo sa pag papasarap dito sa mundo.
Pero
mahirap layuan ang katotohanan na mas gusto pa natin na mag enjoy tayo sa
mundong ito kaysa mag pasan ng ating krus at harapin ang ating mga pagsubok at
sumunod kay Jesus. Meroon pa nga diyan na mga mayayaman at kilalang mga
personalidad na dahil sa ayaw nilang mag pasan ng kanilang krus at harapin ang
kanilang mga pagsubok sa buhay ay mas ginusto pa nila na tapusin nalang ang
kanilang buhay sa pamamagitan ng pag su suicide.
Sa
pamamagitan lamang po ng ating pagdaan at pagharap sa ating mga pagsubok mas
makikilala natin si Jesus. Sa pamamagitan lamang po nito mas magiging malinaw
sa atin na kasama pala natin si Jesus sa pag pasan ng ating krus at hindi niya
pala tayo iniiwan.
Huwag
tayong matakot na harapin ang ating mga pagsubok at mag pasan ng ating krus
gaano man ito kahirap at kabigat. Sa dahilan na malalampasan din natin ito pag
humingi tayo ng tulong kay Jesus.
Ikaw ba
ay dumadaan sa mabigat na pag subok ngayon? Manalagin ka kay Jesus at hingin mo
sa kanya ang kanyang tulong dahil hindi
ka niya pababayaan. - Marino J. Dasmarinas
No comments:
Post a Comment