Nang
mabalitaan ito ni haring Herodes, siya’y naligalig, gayun din ang buong
Jerusalem. Kaya’t tinipon niya ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba sa
Israel at itinanong sa kanila kung saan ipinanganak ang Mesiyas. “Sa Betlehem
po ng Judea,” tugon nila. “Ganito ang sinulat ng propeta:
‘At
ikaw, Betlehem, sa lupain ng Juda,
ay
hindi nga huli sa mga pangunahing bayan ng Juda.
Sapagkat
sa iyo lilitaw ang isang pinuno
na
mamamahala sa aking bayang Israel.’”
Nang
mabatid ito, lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga Pantas at itinanong kung
kailan lumitaw ang mga tala. At pinalakad niya sila patungong Betlehem matapos
pabilinan ng ganito: “Humayo kayo at inyong hanaping mabuti ang sanggol. Kapag
inyong natagpuan, ibalita agad ninyo sa akin upang ako may makasamba sa
kanya.”
At
lumakad na nga ang mga Pantas. Muli silang pinangunahan ng talang nakita nila
sa silangan hanggang sa sumapit ito sa tapat ng kinaroroonan ng
bata. Gayun na lamang ang galak ng mga Pantas nang makita ang tala!
Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ng kanyang inang si
Maria.
Lumapit
sila at nagpatirapa at sinamba ang bata. Binuksan nila ang kanilang mga
sisidlan at inihandog sa kanya ang dala nilang ginto, kamanyang at mira.
Nang sila’y pabalik na, sinabi sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes. Kaya, nag-iba na sila ng daan pauwi.