Mabuting
Balita: Mateo 10:34-11:1
Sinabi ni Jesus
sa labindalawa: 34 Huwag ninyong
isipin na dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa. Hindi kapayapaan
ang dala ko kundi tabak. 35 Dumating akong taglay ang paghihiwalay: ng
tao laban sa kanyang ama, ng anak na babae sa kanyang ina, ng manugang sa
kanyang biyenan. 36 At magiging kaaway ng bawat isa ang kanyang mga
kasambahay.
37 Ang mas
nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang
mas nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38 At
ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi
karapat-dapat sa akin. 39 Ang nagpapahalaga sa kanyang sarili ang
siyang mawawalan nito, at ang nawawalan naman ng kanyang sarili ang siyang
makakatagpo nito.
40 Kung
may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may tumatanggap sa
akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. 41 Kung may tumanggap sa
isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa
isang propeta; kung may tumanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito,
tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. 42 Kung
may magpainom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad
ko ito, sinasabi kong hindi siya mananatiling walang gantimpala.”
1 Nang matapos
si Jesus sa pagtuturo sa Labindalawa niyang alagad, umalis siya roon para
magturo at mangaral sa mga bayan doon.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.