Mabuting Balita: Mateo 11:25-30
25 Nagsalita si Jesus sa pagkakataong
iyon: “Pinupuri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo
ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga
karaniwang tao. 26 Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo. 27 Ipinagkatiwala
sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at
walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan
ng Anak.
28 Lumapit sa akin, lahat kayong
nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo. 29 Kunin ninyo
ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo
kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. 30 Sapagkat mahusay ang aking
pamatok at magaan ang aking pasanin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment