Sino ako upang dalawin ng ina ng
aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw ang sanggol
sa tuwa sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang
ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!"
At sinabi ni Maria, "Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at
nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat
nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako'y tatawaging
mapalad ng lahat ng salinlahi. Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan -- Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng
sali't-saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat
niya ang mga palalo ang isipan. ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas
niyang wala ni anuman ang mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa
kanyang lahi, magpakailanman!"
Tumira
si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

2 comments:
Thank you for sharing the gospel and reflection, hopefully post naman po un Sunday Gospel also reflection, tnx
Maraming salamat din sa iyo. God bless you
Post a Comment