Noong panahong iyon, inilahad ni
Hesus ang talinghagang ito sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito:
may isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Isang gabi,
samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng
masasamang damo sa triguhan.
Nang tumubo ang trigo at magkauhay, lumitaw rin ang masasamang
damo. Kaya’t lumapit ang mga alipin sa puno ng sambahayan at sinabi rito,
‘Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may
damo ngayon?’ Sumagot siya, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’
Tinanong siya ng mga utusan, ‘Bubunutin po ba namin ang mga iyon?’ ‘Huwag,’ sagot niya. ‘Baka mabunot pati trigo. Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan. Pag-aani’y sasabihin ko sa mga tagapag-ani: Tipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin upang sunugin, at ang trigo’y inyong tipunin sa aking kamalig.’”
No comments:
Post a Comment