Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. at ang kaaway ng isang tao'y ang kanya na ring kasambahay.
"Ang umiibig sa ama o sa ina
nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na
lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi
nagpapasan nang kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa
akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang
nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito."
"Ang
tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay
tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa
siya'y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap
sa isang taong matuwid dahil sa siya'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang
nauukol sa taong matuwid.
At
sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na
ito dahil sa ito'y alagad ko-- tinitiyak kong tatanggap siya ng
gantimpala." Matapos tagubilinan ang labingdalawang alagad, umalis si
Jesus upang magturo at mangaral sa mga bayang malapit doon.
No comments:
Post a Comment