Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, “Narinig pa ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao,
‘Huwag kang sisira sa iyong pinanumpaang pangako bagkus ay tupdin mo ang iyong
sinumpaan sa Panginoon.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
sumumpa kung nangangako kayo.
Ni huwag mong sabihing, ‘Mamatay man ako,’ sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo’y hindi mo mapapuputi o mapaiitim. Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi; sapagkat buhat na sa Masama ang anumang sumpang idaragdag dito.”
No comments:
Post a Comment