Kaya dali-daling bumangon si Jose at
nang gabing iyo'y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang
mamatay si Herodes. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa
pamamagitan ng propeta, "Tinawag ko ang aking Anak mula sa
Egipto."
Galit na galit si Herodes nang malamang siya'y napaglalangan ng
mga Pantas. Kaya't ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga
palibot na pook-- lahat na may gulang na dalawang taon pababa, alinsunod sa
paglitaw ng tala na natiyak niyang sa mga Pantas.
Sa gayo'y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias: "Narinig sa Rama ang malakas na panaghoy. Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak. Hindi siya maaliw sa tindi ng kalungkutan dahil sa pagkamatay nila."
No comments:
Post a Comment