Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa kanyang mga alagad, "Huwag ninyong ibigay sa aso ang bagay na banal,
sapagkat kayo'y babalingan at lalapain pagkatapos. Huwag ninyong ihagis sa mga
baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga
iyon."
"Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila
sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga
propeta."
"Pumasok
kayo sa makipot na pintuan; sapagkat maluwag ang pintuan at malapad ang daang
patungo sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang
pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay at kakaunti lang ang
nakasusumpong niyon."
No comments:
Post a Comment