Dinala ko na siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila mapagaling.” Sumagot si Hesus, “Lahing walang pananampalataya at matigas ang ulo! Hanggang kailan dapat akong manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!” Pinagwikaan ni Hesus ang demonyo at lumabas ito, at ang bata’y gumaling agad.
Pagkatapos ay
lumapit ang mga alagad kay Hesus at nagtanong nang walang ibang nakaririnig,
“Bakit hindi po namin mapalayas ang demonyo?” Sumagot siya, “Dahil sa kaliitan
ng inyong pananalig. Sinasabi ko sa inyo: kung maging sinlaki man lamang ng
butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa bundok na
ito, ‘Lumipat ka roon!’ at lilipat ito. Walang bagay na hindi ninyo
mapangyayari.”
No comments:
Post a Comment