"Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos." "Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos." "Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi."
"Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos." "Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos." "Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ipagkakasundo, sapagkat sila'y ituturing ng Diyos na mga anak niya."
"Mapalad ang mga pinag-uusig dahil
sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang
kaharian." "Mapalad kayo kapag dahil sa aki'y inaalimura kayo ng mga
tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang
kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong
gantimpala sa Langit."
No comments:
Post a Comment