Monday, June 26, 2023

Ang Mabuting Balita Hunyo 27, Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 7:6, 12-14


Mabuting Balita: Mateo 7:6, 12-14
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Huwag ninyong ibigay sa aso ang bagay na banal, sapagkat kayo'y babalingan at lalapain pagkatapos. Huwag ninyong ihagis sa mga baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan lamang nila ang mga iyon." 

"Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta." 

"Pumasok kayo sa makipot na pintuan; sapagkat maluwag ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay at kakaunti lang ang nakasusumpong niyon." 

No comments: