Wednesday, May 31, 2023

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hunyo 4, Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos: Juan 3:16-18


Mabuting Balita: Juan 3:16-18
Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

"Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. 

No comments: