Monday, February 20, 2023

Ang Mabuting Balita para Pebrero 25, Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo: Lucas 5:27-32


Mabuting Balita: Lucas 5:27-32
Noong Panahong iyon, nakita ni Jesus ang isang publikano na nagngangalang Levi, nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Sumunod ka sa akin." Tumindig si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod kay Jesus.  

Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking piging sa kanyang bahay. Nakasalo niya roon ang mga publikano at ang iba pang mga tao. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang kanilang mga kasamang eskriba. Sinabi nila sa mga alagad ni Jesus, "Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga publikano at ng mga makasalanan?"  

Sinagot siya ni Jesus, "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang may sakit. Naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang magsisi."

No comments: