Tuesday, August 30, 2022

Ang Mabuting para Sabado Setyembre 3, Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan (Paggunita): Lucas 6:1-5


Mabuting Balita: Lucas 6:1-5
Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Jesus sa triguhan. Ang kanyang mga alagad ay nangitil ng uhay, at kanilang kinain ang mga butil matapos ligisin sa kanilang mga kamay. "Bakit ninyo ginagawa sa Araw ng Pamamahinga ang ipinagbabawal ng Kautusan?" tanong ng ilang Pariseo.  

Sinagot sila ni Jesus, "Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Panginoon, kumuha ng tinapay na handog sa Diyos at kumain nito. Binigyan pa niya ang mga kasama, bagama't ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon." At sinabi pa niya sa kanila, "Ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao."

No comments: