Tuesday, August 30, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Ika 4 ng Setyembre, Ika - 23 na Linggo sa Karaniwang Panahon : Lucas 14:25-33



Mabuting Balita: Lucas 14:25-33
Noong panahong iyon, sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, "Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. 

Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? 

O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? 

At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay."

No comments: