Sunday, March 20, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Marso 22 Martes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Mateo 18:21-35


Mabuting Balita: Mateo 18:21-35
21 Nagtanong naman si Pedro: “Panginoon, gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagku­kulang ng aking kapatid? Pitong be­ses ba?” 22 Sumagot si Jesus: “Hindi, hindi pitong beses kundi pitumpu’t pitong beses.  

23 Tungkol sa kaharian ng Langit ang kasaysayang ito. Isang hari ang nag­pasyang pagbayarin ng utang ang kanyang mga utusan. 24 Nang simulan niyang suriin ang kuwenta, ini­harap sa kanya ang isang may utang na sampung libong baretang ginto. 25 Dahil walang ma­ibayad sa kanya ang tao, iniutos ng panginoon na ipagbili at maging alipin siya kasama ng kan­yang asawa, mga anak at mga ari-arian bilang bayad-utang.  

26 At nagpatirapa sa paanan ng hari ang opisyal at sinabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at ba­bayaran kong lahat ang utang ko.’ 27 Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya kundi kinansela pa ang kanyang utang. 28 Pagkaalis ng opisyal na ito, nasa­lu­bong ni­ya ang isa sa kanyang mga kasamahan na may utang namang sandaang barya sa kanya. Si­nung­gaban niya ito sa leeg at halos sakalin habang sumisigaw ng ‘Bayaran mo ang utang mo!’  

29 Nagpa­tirapa sa paanan niya ang kanyang kasamahan at nag­sabi: ‘Big­yan mo pa ako ng panahon, at baba­yaran kong lahat ang utang ko sa iyo.’ 30 Ngunit tumanggi siya at ipina­kulong ito hanggang maka­bayad ng utang. 31 Labis na nalungkot ang iba nilang kapwa-lingkod nang makita ang nang­yari. Kaya pinuntahan nila ang kani­lang panginoon at ibinalita ang buong pang­yayari. 

32 Ipinatawag naman niya ang opisyal at sinabi: ‘Masamang utusan, pinatawad ko ang lahat ng iyong utang nang maki­usap ka sa akin. 33 Di ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’ 34 Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay niya ang kanyang utusan sa mga tagapag­pa­hirap hang­gang mabaya­ran nito ang lahat ng utang.” 

35 Idinagdag ni Jesus: “Ganito rin ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi pata­tawarin ng bawat isa sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.”           

No comments: