13 Gusto nilang hulihin si Jesus sa
sarili niyang mga salita. Kaya pinapunta kay Jesus ang ilan sa mga Pariseo
kasama ng mga kampi kay Herodes. 14 Nilapitan nila siya at sinabi: “Guro,
nalalaman naming tapat ka at hindi napadadala sa iba. Hindi ka nagsasalita
ayon sa kalagayan ng tao kundi tunay na itinuturo ang daan ng Diyos. Kaya
ayon ba sa Batas na magbayad ng buwis sa Cesar?”
15 Nang makita ni Jesus ang kanilang
pagkukunwari, sinabi niya sa kanila: “Bakit ninyo ako sinusubok? Akin na ang
isang denaryo.” 16 Iniabot nila sa kanya ang isang denaryo at sinabi sa
kanila ni Jesus: “Sino ang nakalarawan dito, na narito rin ang kanyang pangalan?”
Sumagot sila: “Ang Cesar.” 17 At sinabi niya sa kanila: “Ibigay nga sa
Cesar ang para sa Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.” Lubha silang namangha
sa kanya.
No comments:
Post a Comment