Saturday, April 3, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Abril 3 Sabado Santo: Marcos 16:1-7


Mabuting Balita: 
Marcos 16:1-7
1 Pagkatapos ng Araw ng Pahinga, si Maria Magdalena at si Mariang ina ni Jaime, at si Salome ay bumili ng mga pabango para pumunta at  pahiran si Jesus. 2 At dumating sila sa libingan kinaumagahan ng unang araw ng sanlinggo.  

3 Pinag-usapan nila: “Sino ang mag­pa­­pagulong at mag-aalis sa malaking bato sa bukana ng libingan?” 4 Ngunit pagtingin nila’y nakita nilang naigu­long na ang bato – napakalaki nga niyon.

5 Kaya pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binatang nakaputi na nakaupo sa kanan, at takang-taka sila. 6 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong matakot. Di ba’t si Jesus na taga-Nazaret, ang ipinako sa krus, ang hina­hanap ninyo? Binuhay siya at wala siya rito. Hayan ang lugar kung saan siya inilagay. 7 Ngunit humayo kayo at sabi­hin sa mga alagad niya at pati kay Pedro na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya matatagpuan gaya ng sinabi niya sa inyo.”

No comments: