Mabuting
Balita: Mateo 13:36-43
36 At pinaalis ni
Jesus ang mga tao at saka pumasok sa bahay. Lumapit noon sa kanya ang kanyang
mga alagad at nagtanong: “Ipaliwanag mo sa amin ang talinhaga ng mga trigo sa
bukid.” 37 Sumagot si Jesus: “Ang nagtanim ng mabuting buto ay ang Anak
ng Tao. 38 Ang bukid naman, ang daigdig; ang mabuting buto, ang mga tao ng
Kaharian; at ang masasamang damo, ang mga tauhan ng demonyo. 39 Ang
kaaway na naghasik sa kanila ay ang demonyo; ang pag-aani ay ang katapusan ng
mundo, at ang mga manggagawa ay ang mga anghel.
40 Kung paanong tinitipon ang masasamang damo at sinusunog sa
apoy, ganito rin ang mangyayari sa katapusan ng mundo. 41 Ipadadala ng
Anak ng Tao ang kanyang mga anghel at titipunin nila sa kanyang kaharian ang
mga eskandalo at ang mga gumagawa ng masama. 42 At itatapon ang mga ito
sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagngangalit ng ngipin.
43 At pagkatapos nito, magniningning ang mga makatarungan tulad ng araw
sa Kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may tainga!
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment