Friday, June 19, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hunyo 21, Ika-12 Linggo ng Taon: Mateo 10:26-33


Mabuting Balita: Mateo 10:26-33
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 26 Walang tinatakpan na di nabubun­yag at walang natatago na di naha­ha­yag. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ipa­hayag ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong, ipahayag mula sa bubong.

• 28 Huwag matakot sa mga naka­papatay ng katawan ngunit hindi ng kalu­luwa. Matakot kayo sa may ka­pang­yarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa impiyerno. 29 Nabi­bili ang maya nang dalawa isang pera, pero wala isa mang buma­bag­sak sa lupa na hindi niloloob ng Ama. 30 At kayo, bilang na pati buhok sa inyong ulo. 31 Kaya huwag ka­yong matakot: mas mahalaga kayo kaysa mga maya.

• 32 Ang sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko sa harap ng aking Ama sa Langit. 33 At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin kikilalanin sa harap ng aking Ama sa Langit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: