Mabuting Balita: Juan 3:16-18
Sinabi ni Jesus kay Nicodemo 16 Ganito
nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kayat ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak
upang hindi na mawala ang bawat nananalig sa kanya kundi magkaroon ng buhay
magpakailanman.
17 Hindi nga sinugo ng Diyos sa
mundo ang Anak upang hukuman ang mundo kundi upang maligtas ang mundo sa
pamamagitan niya. 18 Hindi hinuhukuman ang nananalig sa kanya. Ngunit
hinu-kuman na ang hindi nananalig pagkat hindi siya nananalig sa Ngalan ng
bugtong na Anak ng Diyos.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment