1 Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo
siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. 2 At nagsimula siyang magturo sa kanila:
3 “Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng
Langit.
4 Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagiginhawahin sila.
5 Mapapalad ang mga di-marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain.
6 Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin
sila.
7 Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila.
8 Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin
silang mga anak ng Diyos.
10 Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang
Kaharian ng Langit.
11 Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri
dahil sa akin. 12 Magsaya kayo
at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo. Ganito
rin pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment