Wednesday, May 27, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Mayo 28, Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 17:20-26


Mabuting Balita: Juan 17:20-26
Tumingala si Jesus sa langit at nagsalita 20 Hindi lamang sila ang ipinapa­kiusap ko kundi pati ang mga nana­nalig sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita. 21 Maging iisa sana ang lahat kung paanong nasa akin ka, Ama, at ako’y nasa ‘yo. Mapa­saatin din sana sila upang maniwala ang mundo na ikaw ang nag­sugo sa akin.

22 Ibinigay ko naman sa kanila ang luwalhating ibinigay mo sa akin upang maging isa sila gaya nang tayo’y iisa: 23 ako sa kanila at ikaw sa akin. Kaya magaganap sila sa kaisahan, at maki­kilala ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin, at minahal ko sila kung pa­anong minahal mo ako. 24 Ama, sila ang ibinigay mo sa akin kaya niloloob kong kung nasaan ako’y makasama ko rin sila at mapansin nila ang bigay mo sa aking kaluwalhatian ko sapagkat minahal mo ako bago pa man nagkaroon ng mundo.

25 Makatarungang Ama, hindi ka kilala ng mundo: kilala naman kita at kilala rin ng mga ito na ikaw ang nag­sugo sa akin. 26 Ipinagbigay-alam ko sa kanila ang Ngalan mo at ipinagbibigay-alam pa upang mapasakanila ang pag­mamahal mo sa akin at ako ri’y mapa­sa­kanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: