27 Kapayapaan
ang iniiwan ko sa inyo; kapayapaan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng
ibinibigay ng mundo ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso,
ni panghinaan ng loob. 28Narinig ninyong sinabi ko sa inyo. ‘Paalis ako pero
pabalik ako sa inyo.’ Kung minahal ninyo ako, magagalak kayo’t papunta ako sa
Ama pagkat mas dakila sa akin ang Ama.
29Ngunit sinabi
ko ito ngayon sa inyo bago pa mangyari ito. 30Hindi ko na kayo kakausapin nang
mahaba sapagkat parating na ang pinuno ng mundo. Walang anumang kanya sa akin
31ngunit dapat malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, at ayon sa iniutos sa akin
ng Ama, ito mismo ang aking ginagawa.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment