Friday, May 15, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Mayo 17, Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 14:15-21



Mabuting Balita: Juan 14:15-21
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 15 Kung mahal ninyo ako, isasa­katupa­ran ninyo ang mga kautusan ko. 16 At hihingin ko sa Ama at ibibigay niya sa inyo ang bagong Tagapag­tang­gol upang makasama ninyo magpaka­ilan­man: 17 ang Espiritu ng katoto­hanan na hindi matatang­gap ng mundo dahil hindi siya  nito napapansin ni nakikilala. Kilala ninyo siya sapagkat namamalagi siya sa inyo at sasainyo siya.

18 Hindi ko kayo iiwang ulila; pabalik ako sa inyo. 19 Kaunti pang panahon at hindi na ako mapapansin ng mundo; ngunit papansinin ninyo ako sapagkat buhay ako at mabu­buhay din kayo. 20 Sa araw na ’yon ninyo malalaman na nasa Ama ako, at nasa akin kayo at nasa inyo naman ako.

21 Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nag­ma­mahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nagmamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya at ipamamalas ko sa kanya ang aking sarili.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: