Tuesday, October 29, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Nobyembre 3, ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 19:1-10


Mabuting Balita: Lucas 19:1-10
1 Pumasok si Jesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. 2 At may isang taong nagnga­ngalang Zakeo. Pinu­no siya ng mga kolektor ng buwis at napaka­yaman. 3 Sinikap niyang ma­kita kung sino si Jesus pero pandak siya at hindi niya magawa dahil sa dami ng mga tao. 4 Kaya patakbo siyang umuna at umakyat sa isang punong-ma­laigos para makita si Jesus pagdaan doon. 5 Pagdating ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi sa kanya: “Zakeo, bumaba ka agad. Sa bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.”

6 Nagmamadali siyang bumaba at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus. 7 Inireklamo naman sa isa’t isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lala­king makasalanan siya nakituloy.” 8 Ngu­nit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Pa­nginoon, ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ari-arian; at kung may nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.” 9 At sinabi sa kanya ni Jesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambaha­­yang ito dahil anak nga ni Abraham ang taong ito. 10 At dumating ang Anak ng Tao para hanapin at iligtas ang nawa­wala.” 

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: