Sunday, October 25, 2026

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 26 Lunes sa Ika-30 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 13:10-17


Mabuting Balita: Lucas 13:10-17
Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtuturo sa isang sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. May isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman, gawa ng masamang espiritung nasa kanya. Siya’y hukot na hukot at hindi na makaunat. Nang makita ni Hesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman!”

At ipinatong ni Hesus ang kanyang mga kamay sa babae; noon di’y nakaunat ito at nagpuri sa Diyos. Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya’t sinabi niya sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang ipagtrabaho. Pumarito kayo sa mga araw na iyan upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.”

Sinagot siya ng Panginoon, “Mga mapagpaimbabaw! Hindi ba’t kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o asno at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? Ang babaing ito na mula sa lipi ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon. Hindi ba dapat na siya’y kalagan kahit na Araw ng Pamamahinga?” Napahiya ang lahat ng kalaban ni Hesus sa sagot niyang ito; at nagalak naman ang madla sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.

+ + + + + + +  
Repleksyon:
Nakikinig ba kay Hesus sa sinagoga ang babaeng may kapansanan?

Oo, naroon siya noong Araw ng Pamamahinga upang makinig sa Panginoon. Labingwalong taon na siyang nagdurusa dahil sa isang karamdaman na lubhang nagpahirap sa kanyang buhay. Ngunit nang makita siya ni Hesus, tinawag Niya ito at pinagaling (Lucas 13:10–13).

Ano ang matututuhan natin sa babaeng ito?

Ang kanyang pagdalo sa sinagoga ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng paglalaan ng panahon para sa Diyos, kahit marami tayong pinagdaraanan at suliranin sa buhay. Tulad niya, patuloy tayong lumapit kay Hesus at makinig sa Kanyang mga salita, habang nagtitiwala sa Kanyang pag-ibig, awa, at kapangyarihang baguhin ang ating buhay.

Ngunit naglalaan pa ba tayo ng panahon upang pakinggan si Hesus?

Nakalulungkot isipin na marami sa atin ang labis na abala sa pang-araw-araw na gawain, mga ambisyon, at paghahangad ng mga materyal na bagay. Dahil dito, unti-unti nating napapabayaan ang ating ugnayan sa Panginoon. Masyado tayong abala sa paghahangad ng mga bagay na panandalian lamang kaya nakakalimutan nating alagaan ang ating kaluluwa sa pamamagitan ng pananalangin, pakikibahagi sa Banal na Misa, at pagbubulay-bulay sa Kanyang mga salita.

Ano nga ba ang tunay nating napapala kapag hinahayaan nating sakupin ng mga materyal at panandaliang bagay ang ating buhay? Maaaring magbigay sa atin ng pansamantalang ginhawa ang mga ari-arian at kayamanan, ngunit hindi nito matitiyak ang pangmatagalang kasiyahan o ang malalim na kapayapaang nagmumula sa Diyos.

Gaano man karami ang ating kayamanan o kataas ang ating marating sa buhay, maaari pa rin tayong makaranas ng kahungkagan kung napapabayaan naman natin ang ating espirituwal na buhay. Tunay ngang para tayong humahabol sa hangin kapag inuubos natin ang ating lakas sa paghahangad ng kayamanan ngunit hindi natin binibigyang-puwang ang Diyos sa ating puso. Hindi kayang bigyang-kasiyahan ng mga bagay ng mundong ito ang pinakamalalim na pangangailangan ng ating kaluluwa.

Kaya huwag nating hayaang matabunan ng mga pang-akit at hinihingi ng mundong ito ang banayad na tinig ni Hesus. Sa halip, piliin nating sumunod sa Kanya nang buong katapatan at makinig sa Kanyang mga salita nang buong puso. Maglaan tayo ng panahon para sa pananalangin, buksan natin ang ating puso sa Kanyang mga aral, at hayaang gabayan ng mga ito ang ating mga pasiya at pakikitungo sa ating kapwa.

Kapag tinatanggap natin si Hesus sa ating buhay at pinayayabong ang ating ugnayan sa Kanya, natatagpuan natin ang isang tapat na kasama na nagpapalakas sa atin sa gitna ng mga pagsubok, umaaliw sa atin sa panahon ng kalungkutan, gumagabay sa atin sa gitna ng pagkalito, at nagkakaloob ng Kanyang biyaya ng kagalingan ayon sa Kanyang kalooban.

Tulad ng babaeng nasa Ebanghelyo, patuloy tayong lumapit kay Hesus, lalo na kapag nagiging mabigat at mahirap ang ating buhay. Huwag nating kalimutan na ang pinakadakilang kayamanan natin ay hindi ang mga bagay na ating naipundar kundi ang ugnayang pinagyayaman natin sa Kanya.

Maaaring ipangako sa atin ng mundo ang kaligayahan sa pamamagitan ng kayamanan, pagkilala, at tagumpay, ngunit ang Diyos lamang ang tunay na makapupuno sa pinakamalalim na pananabik ng ating kaluluwa.

Kaya tanungin natin ang ating sarili: Naglalaan ba tayo ng sapat na panahon upang pakinggan si Hesus at damhin ang Kanyang presensiya, o masyado na tayong abala sa paghahabol sa mga kayamanang panandalian lamang kaya hindi na natin marinig ang Kanyang tinig na tumatawag sa atin upang magkaroon ng mas malalim at makabuluhang ugnayan sa Kanya?—Marino J. Dasmarinas

Saturday, October 24, 2026

Reflection for October 25 Thirtieth Sunday in Ordinary Time: Matthew 22:34-40


Gospel: Matthew 22:34-40
When the Pharisees heard that Jesus had silenced the Sadducees, they gathered together, and one of them, a scholar of the law, tested him by asking, “Teacher, which commandment in the law is the greatest?”  

He said to him, “You shall love the Lord, your God, with all your heart, with all your soul, and with all your mind. This is the greatest and the first commandment. The second is like it: You shall love your neighbor as yourself. The whole law and the prophets depend on these two commandments.”

+ + + + + + +
Reflection:
A wife discovered that her husband had a second family. Deeply hurt and angry, she left him. However, her husband begged for her forgiveness and pleaded for a second chance. After giving the matter deep thought, she eventually forgave her repentant husband and chose to work toward healing their marriage.

When her mother asked her why she had forgiven her husband and chosen to rebuild their relationship despite what he had done, she replied, “I deeply love God, and I would be betraying my love for Him if I refused to forgive my husband and work toward healing our marriage.”

Conflicts are an inevitable part of married life. They may arise from various causes, including betrayal of trust, behavioral incompatibility, and financial disagreements. Every married couple may experience difficult moments that test their love, patience, and commitment to one another.

But how is it that, despite infidelity and serious conflicts, some couples find the strength to forgive each other and remain together until the end of their lives? One possible answer is that they put their love for God first. Their relationship with the Lord becomes a source of strength that inspires them to forgive, love, and persevere even when their marriage is going through painful trials.

When we put God first, His love becomes the foundation upon which we build our relationships. We begin to understand that loving someone does not mean that we will never be hurt or disappointed. Rather, genuine love calls us to seek God's grace so that we can respond to our hurts with wisdom, patience, and compassion. Through prayer and sincere repentance, we can find the courage to forgive, rebuild trust, and work toward lasting healing.

This does not mean that we must pretend that nothing happened or tolerate repeated wrongdoing. Forgiveness does not remove the need for accountability, and reconciliation requires sincere repentance and changed behavior. In situations involving abuse, seeking safety and appropriate help is essential. Even in our deepest pain, however, we can turn to God and ask Him to help us heal our wounded hearts.

Jesus teaches us that the greatest commandment is to love God with all our heart, soul, and mind, and to love our neighbor as ourselves (Matthew 22:37–39). When we genuinely love God, that love must also find expression in how we treat the people around us. We become more willing to forgive, more patient with others' weaknesses, and more humble in acknowledging our own shortcomings.

After all, how can we claim to love God, whom we cannot see, while deliberately refusing to love or forgive the people whom we encounter in our daily lives? Our faith must be more than words we speak or prayers we offer. It must become a living witness to the transforming love of God within us.

If we continue to harbor resentment against our spouse or anyone who has deeply hurt us, let us take time to examine our hearts. Are we allowing God's grace to work within us? Are we willing to surrender our anger and bitterness to Him? Do we sincerely desire the healing that comes when we choose to walk in the light of His love?

We may not find forgiveness easy, especially when the wounds are deep. But we do not have to face our struggles alone. We can ask Jesus to guide us, strengthen us, and teach us to love as He loves. As we grow closer to Him, we can allow His grace to transform our hearts and help us take the next right step toward forgiveness and healing.

Therefore, let us always remember that loving God first must not remain a beautiful statement of faith; it must become a reality in our daily lives. When God's love truly takes root in our hearts, it changes how we respond to those who hurt us and how we treat those who need our compassion.

And so, let us ask ourselves this heart-searching question: If we truly love God above all else, are we willing to let His love transform our hearts so that we can forgive those who have hurt us, seek healing where it is possible, and become living witnesses of His mercy?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Oktubre 25 Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 22:34-40


Mabuting Balita: Mateo 22:34-40
Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Saduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” 

Sumagot si Hesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.”

+ + + + + + +  
Repleksyon:
Nadiskubre ng isang babae na may ikalawang pamilya ang kanyang asawa. Kaya, labis siyang nasaktan at nagalit kaya nag desisyon siya na iwanan na ang kanyang asawa. Ngunit nagsumamo ang lalaki, humingi ng tawad, at nakiusap na bigyan siya ng ikalawang pagkakataon. Matapos niyang pag-isipang mabuti ang lahat, kalaunan ay pinatawad niya ang kanyang asawang tunay na nagsisisi at pinili niyang sikaping paghilumin ang kanilang nasirang pagsasama.

Nang tanungin siya ng kanyang ina kung bakit niya pinatawad ang kanyang asawa at piniling buuing muli ang kanilang relasyon sa kabila ng ginawa nito, sumagot siya, “Mahal na mahal ko ang Diyos, at para ko nang ipinagkanulo ang pagmamahal ko sa Kanya kung tatanggihan kong patawarin ang aking asawa at sikaping paghilumin ang aming pagsasama.”

Hindi maiiwasan ang mga alitan sa buhay mag-asawa. Maaaring magmula ang mga ito sa pagtataksil sa tiwala, hindi pagkakatugma ng mga pag-uugali, hindi pagkakaunawaan tungkol sa pananalapi, at marami pang ibang dahilan. Bawat mag-asawa ay maaaring dumaan sa mga pagsubok na sumusukat sa kanilang pagmamahalan, pagtitiis, at paninindigang manatiling tapat sa isa't isa.

Ngunit paano nagagawa ng ilang mag-asawa na magpatawaran at manatiling magkasama hanggang sa katapusan ng kanilang buhay sa kabila ng pagtataksil at mabibigat na suliranin? Isa sa mga posibleng dahilan ay ang paglalagay nila sa Diyos bilang una sa kanilang buhay. Ang kanilang ugnayan sa Panginoon ang nagiging bukal ng lakas na tumutulong sa kanila na magpatawad, magmahal, at magpatuloy kahit dumaranas sila ng matitinding pagsubok sa kanilang pagsasama.

Kapag inuuna natin ang Diyos, nagiging matibay na saligan ng ating mga ugnayan ang Kanyang pagmamahal. Unti-unti nating nauunawaan na ang tunay na pagmamahal ay hindi nangangahulugang hindi tayo masasaktan o mabibigo.

Sa halip, tinatawag tayo ng tunay na pagmamahal na humingi ng biyaya sa Diyos upang matugunan natin ang ating mga sugat nang may karunungan, pagtitiis, at habag. Sa pamamagitan ng panalangin at taos-pusong pagsisisi, makasusumpong tayo ng lakas upang magpatawad, muling buuin ang nasirang tiwala, at sikaping makamit ang pangmatagalang paghilom.

Hindi ito nangangahulugang kailangan nating magkunwaring walang nangyari o palampasin na lamang ang paulit-ulit na paggawa ng mali. Hindi inaalis ng pagpapatawad ang pangangailangang managot ang nagkasala sa kanyang mga ginawa. Kailangan din ang tunay na pagsisisi at pagbabago upang maibalik ang nasirang relasyon.

Itinuturo sa atin ni Hesus na ang pinakadakilang utos ay ibigin ang Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip, at ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili (Mateo 22:37–39). Kapag tunay nating minamahal ang Diyos, dapat makita ang pagmamahal na ito sa paraan ng pakikitungo natin sa mga taong nakapaligid sa atin. Natututo tayong maging mapagpatawad, mapagpasensya sa mga kahinaan ng iba, at mapagpakumbabang kumilala sa sarili nating mga pagkukulang.

Kung tutuusin, paano natin masasabi na mahal natin ang Diyos na hindi natin nakikita kung sinasadya naman nating ipagkait ang pagmamahal at pagpapatawad sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw? Hindi dapat manatili sa mga salitang ating sinasambit o sa mga panalanging ating iniaalay ang ating pananampalataya. Dapat itong maging buhay na patotoo ng pag-ibig ng Diyos na kumikilos at nagbabago sa ating mga puso.

Kung patuloy tayong nagkikimkim ng sama ng loob laban sa ating asawa o sa sinumang labis na nakasakit sa atin, maglaan tayo ng panahon upang suriin ang ating mga puso. Hinahayaan ba nating kumilos ang biyaya ng Diyos sa ating buhay? Handa ba nating isuko sa Kanya ang ating galit at hinanakit? Nais ba talaga nating maranasan ang paghilom na maaaring magsimula kapag pinili nating lumakad sa liwanag ng Kanyang pagmamahal?

Maaaring hindi madali ang magpatawad, lalo na kung napakalalim ng ating mga sugat. Ngunit hindi natin kailangang harapin nang mag-isa ang ating mga pinagdaraanan. Maaari nating hilingin kay Hesus na gabayan tayo, palakasin ang ating kalooban, at turuan tayong magmahal gaya ng pagmamahal Niya. Habang lalo tayong napapalapit sa Kanya, maaari nating hayaan ang Kanyang biyaya na baguhin ang ating mga puso at tulungan tayong gawin ang susunod na wastong hakbang tungo sa pagpapatawad at paghilom.

Kaya lagi nating tandaan na ang pag-ibig sa Diyos nang higit sa lahat ay hindi dapat manatiling magandang pahayag lamang ng ating pananampalataya. Dapat itong maging tunay na bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Kapag tunay nang nag-ugat sa ating puso ang pagmamahal ng Diyos, mababago nito ang paraan ng pagtugon natin sa mga taong nakasakit sa atin at ang pakikitungo natin sa mga taong nangangailangan ng ating pang-unawa at habag.

Kaya hamunin natin ang ating mga sarili at buong katapatan nating itanong sa ating mga puso: Kung tunay nating minamahal ang Diyos nang higit sa lahat, handa ba nating hayaan ang Kanyang pag-ibig na baguhin ang ating mga puso upang mapatawad natin ang mga nakasakit sa atin, sikapin ang paghilom ng mga sugat, at maging buhay na saksi ng Kanyang awa at habag?— Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 24 Saturday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time: Luke 13:1-9


Gospel: Luke 13:1-9
Some people told Jesus about the Galileans whose blood Pilate had mingled with the blood of their sacrifices. Jesus said to them in reply, “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!

Or those eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them— do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!” And he told them this parable: “There once was a person who had a fig tree planted in his orchard, and when he came in search of fruit on it but found none, he said to the gardener, ‘For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none. So cut it down. Why should it exhaust the soil?’

He said to him in reply, ‘Sir, leave it for this year also, and I shall cultivate the ground around it and fertilize it; it may bear fruit in the future. If not you can cut it down.’”

+ + + + + + +
Reflection:
Would we obey Jesus’ call to repentance?

Repentance is something we all need because we are all sinners. But why are many of us unwilling to heed Jesus’ call to repentance? One reason is that we lack the virtue of humility. Many of us have also mortgaged our lives to the devil in exchange for the temporary pleasures of sin. Because of our pride and attachment to worldly pleasures, we sometimes turn away from God instead of humbly responding to His loving call to repent.

But what price are we willing to pay for ignoring Jesus’ call to repentance? Are we willing to risk losing our peace, damaging our relationship with God, and jeopardizing our eternal salvation simply because we refuse to turn away from sin? No earthly pleasure is worth the loss of our relationship with Jesus, for the pleasures of this world are temporary, but the joy of being with God is everlasting.

When we sincerely repent, we begin to experience the freedom and peace that come from turning back to God. The heavy burden of sin can be lifted from our hearts, our consciences can find peace, and our relationship with Jesus can be restored through His mercy and forgiveness. Yet many of us continue to resist His loving invitation. Instead of breaking free from sin, we allow ourselves to remain its slaves. Instead of embracing God, who desires our salvation, we sometimes choose the temptations of the devil, which lead us away from Him.

In today’s Gospel, Jesus calls us to repent of all our sins. This means that we must be willing to turn away from our sinful thoughts, words, and actions. We must also have the courage to distance ourselves from people, situations, and influences that lead us into sin, while continuing to treat everyone with love and compassion. Above all, we must humble ourselves and seek the healing grace of the Sacrament of Reconciliation, where we can confess our sins, receive God’s forgiveness, and begin anew with hearts renewed by His mercy.

Let us remember that Jesus does not call us to repentance because He wants to condemn us. He calls us because He loves us and desires to free us from the chains of sin. No matter how far we have wandered, His mercy remains an invitation to return to Him. Let us not allow pride, worldly pleasures, or our attachment to sin to keep us away from His loving embrace. Instead, let us open our hearts to His grace and take the necessary steps toward a life of holiness and faithfulness.

Today, Jesus is calling each of us to repent and return to Him. Will we humble ourselves, let go of the sins that enslave us, and accept His healing mercy, or will we continue to cling to temporary worldly pleasures at the expense of our relationship with the Lord who loves us and desires to lead us to eternal life?— Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para Oktubre 24 Sabado sa Ika-29 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 13:1-9


Mabuting Balita: Lucas 13:1-9
Dumating noon ang ilang mga tao at ibinalita kay Hesus na ipinapatay ni Pilato ang ilang Galileo samantalang ang mga ito’y naghahandog sa Diyos. Sinabi niya sa kanila, “Akala ba ninyo, higit na makasalanan ang mga Galileong ito kaysa ibang mga taga-Galilea dahil sa gayun ang sinapit nila? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. 

At ang labingwalong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe – sa akala ba ninyo’y higit silang makasalanan kaysa ibang naninirahan sa Jerusalem? Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo: kapag hindi ninyo pinagsisihan at tinalikdan ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat.” 

Sinasabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito: “May isang tao na may puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ito, ngunit wala siyang nakita. Kaya’t sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. 

Putulin mo na! Nakasisikip lang iyan!’ Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putulin sa taong ito. Huhukayan ko ang palibot at lalagyan ng pataba. Kung mamunga po ito sa darating na taon, mabuti; ngunit kung hindi, putulin na natin!’” 

+ + + + + + +
Repleksyon:
Susundin ba natin ang panawagan ni Hesus na magsisi?

Ang pagsisisi sa ating mga kasalanan ay isang bagay na kailangan nating lahat sapagkat lahat tayo ay nagkakasala. Ngunit bakit marami sa atin ang ayaw tumugon sa panawagan ni Hesus na magsisi at magbalik-loob sa Diyos? Isa sa mga dahilan ay ang kawalan natin ng kababaang-loob.

Marami rin sa atin ang tila isinangla na ang ating buhay sa dimonyo kapalit ng panandaliang kaligayahang dulot ng kasalanan. Dahil sa ating kapalaluan at labis na pagkahumaling sa mga makamundong kasiyahan, kung minsan ay tumatalikod tayo sa Diyos sa halip na buong kababaang-loob na tumugon sa Kanyang mapagmahal na panawagan na magsisi.

Ngunit ano ang handa nating isakripisyo dahil sa hindi pagpansin sa panawagan ni Hesus na magsisi? Handa ba nating ipagsapalaran ang pagkawala ng ating kapayapaan, ang pagkasira ng ating ugnayan sa Diyos, at maging ang ating kaligtasan sa kabilang buhay dahil lamang ayaw nating talikuran ang kasalanan?

Walang anumang makamundong kasiyahan ang maihahambing sa halaga ng ating ugnayan kay Hesus. Ang mga kasiyahan sa mundong ito ay panandalian lamang, ngunit ang kagalakang makapiling ang Diyos ay walang hanggan.

Kapag taos-puso tayong nagsisisi, unti-unti nating nararanasan ang kalayaan at kapayapaang dulot ng pagbabalik-loob sa Diyos. Ang mabigat na pasanin ng kasalanan ay maaari nang maibsan, ang ating budhi ay muling makadarama ng kapayapaan, at ang ating nasirang ugnayan kay Hesus ay maaari nating maibalik sa pamamagitan ng Kanyang awa at pagpapatawad.

Gayunman, marami pa rin sa atin ang tumatanggi sa Kanyang mapagmahal na paanyaya. Sa halip na kumawala sa kasalanan, hinahayaan nating manatili tayong alipin nito. Sa halip na yakapin ang Diyos na nagnanais ng ating kaligtasan, kung minsan ay pinipili natin ang mga tukso ng diyablo na lalo lamang naglalayo sa atin sa Panginoon.

Sa Ebanghelyo ngayon, tinatawag tayo ni Hesus na magsisi sa lahat ng ating mga kasalanan. Nangangahulugan ito na kailangan nating talikuran ang ating masasamang kaisipan, salita, at gawa. Kailangan din nating magkaroon ng lakas ng loob na lumayo sa mga tao, sitwasyon, at impluwensiyang nagtutulak sa atin na magkasala, habang patuloy pa rin nating minamahal at pinakikitunguhan nang may malasakit ang ating kapwa.

Higit sa lahat, kailangan nating magpakumbaba at lumapit sa nagpapagaling na biyaya ng Sakramento ng Kumpisal o Pakikipagkasundo. Dito, maaari nating ipahayag ang ating mga kasalanan, tanggapin ang kapatawaran ng Diyos, at magsimulang muli taglay ang pusong binago at binuhay ng Kanyang awa.

Hindi tayo tinatawag ni Hesus na magsisi dahil nais Niya tayong hatulan. Tinatawag Niya tayo sapagkat mahal Niya tayo at nais Niya tayong palayain mula sa mga gapos ng kasalanan. Gaano man tayo lumayo sa Kanya, patuloy tayong inaanyayahan ng Kanyang awa na magbalik-loob.

Huwag nating hayaang ang kapalaluan, makamundong kasiyahan, at labis na pagkakapit sa kasalanan ang humadlang sa atin upang muling maranasan ang Kanyang mapagmahal na yakap. Sa halip, buksan natin ang ating mga puso sa Kanyang biyaya at buong katapatang tahakin ang landas tungo sa kabanalan.

Sa araw na ito, tinatawag tayo ni Hesus na magsisi at magbalik-loob sa Kanya. Handa ba tayong magpakumbaba, talikuran ang mga kasalanang umaalipin sa atin, at tanggapin ang Kanyang nagpapagaling na awa, o patuloy ba nating pipiliin ang panandaliang kasiyahan ng mundong ito kapalit ng ating ugnayan sa Panginoong nagmamahal sa atin at nagnanais na akayin tayo sa buhay na walang hanggan?— Marino J. Dasmarinas

Thursday, October 22, 2026

Reflection for October 23 Friday of the 29th Week in Ordinary Time: Luke 12:54-59


Gospel: Luke 12:54-59
Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising in the west you say immediately that it is going to rain and so it does; and when you notice that the wind is blowing from the south you say that it is going to be hot and so it is.

You hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky; why do you not know how to interpret the present time? “Why do you not judge for yourselves what is right?

If you are to go with your opponent before a magistrate, make an effort to settle the matter on the way; otherwise your opponent will turn you over to the judge, and the judge hand you over to the constable, and the constable throw you into prison. I say to you; you will not be released until you have paid the last penny.”

+ + + + +  + +
Reflection:
The story is told of a man who had a verbal tussle with his neighbor that eventually escalated into a physical fight. After both men had been bloodied, they threatened to sue each other.

However, the neighbor who started the conflict suddenly realized that he needed to apologize. So, he went to his neighbor’s house and knocked on the gate. When the gate was opened, he humbly apologized, and his apology was immediately accepted.

In our Gospel, Jesus reminds us of the importance of making every effort to settle our conflicts with others, whether they are our neighbors, spouses, siblings, friends, or anyone else. Why? Because unresolved conflicts can grow into much bigger problems when we allow our pride, anger, and stubbornness to take control of our hearts.

Consider, for example, a conflict between spouses that is left unresolved. What begins as a simple disagreement can gradually develop into resentment, emotional distance, and eventually estrangement. The same can happen in our families, friendships, and other relationships. When we refuse to listen, forgive, or apologize, we risk allowing a small wound to become a deep and lasting one.

This is why we must learn to humble ourselves and take the first step toward reconciliation. Let us not allow our pride to become a wall that separates us from the people we love. If we have hurt someone, let us have the courage to apologize sincerely. If someone has hurt us, let us pray for the grace to forgive. And if a relationship has been wounded, let us do our part to bring healing, trusting that God can work in our hearts even when reconciliation takes time.

Apologizing is not a sign of weakness; it is an expression of humility, love, and courage. We may not always be able to control how others respond to us, but we can choose to do what is right before God. When we sincerely seek forgiveness and make an honest effort to restore peace, we allow the Lord to work within us and lead us toward the peace our hearts long for.

So, let us ask ourselves: Is there someone we need to approach, someone we need to forgive, or someone to whom we need to say, “I am sorry”? Are we willing to set aside our pride today and take the first step toward reconciliation before a small conflict becomes a wound that may be much harder to heal?— Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 23 Biyernes sa Ika-29 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 12:54-59


Mabuting Balita: Lucas 12:54-59
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga tao, "Kapag nakita ninyong Makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayon nga ang nangyayari. At kung umiihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw!

Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa't sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon? 

"Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo."

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa isang lalaki na nakipagtalo sa kanyang kapitbahay. Ang kanilang pagtatalo ay nauwi sa pisikal na pag-aaway. Pareho silang nasugatan, at kapwa nagbanta na magsasampa ng kaso laban sa isa’t isa.

Ngunit biglang napagtanto ng kapitbahay na siyang nagsimula ng alitan na kailangan niyang humingi ng tawad. Kaya nagtungo siya sa bahay ng kanyang kapitbahay at kumatok sa tarangkahan. Nang buksan ito, buong kababaang-loob siyang humingi ng tawad, at agad naman siyang pinatawad ng kanyang kapitbahay.

Sa ating Ebanghelyo, pinaaalalahanan tayo ni Hesus na gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang maayos ang anumang alitan natin sa ating kapwa, maging ito man ay sa ating mga kapitbahay, asawa, kapatid, kaibigan, o sinumang nakasasalamuha natin. Bakit? Sapagkat ang alitang hindi agad naaayos ay maaaring lumala at humantong sa mas mabigat na problema kapag hinayaan nating manaig ang ating pride, galit, at katigasan ng puso.

Isipin natin, halimbawa, ang isang alitan sa pagitan ng mag-asawa na hindi naaayos. Ang nagsimula sa isang simpleng hindi pagkakaunawaan ay maaaring humantong sa sama ng loob, paglayo ng damdamin, at kalaunan ay pagkakahiwalay. Maaari rin itong mangyari sa ating pamilya, pagkakaibigan, at iba pang mahahalagang ugnayan sa ating buhay. Kapag tumanggi tayong makinig, magpatawad, o humingi ng tawad, nanganganib na ang isang maliit na sugat sa ating relasyon ay maging malalim at mahirap nang pagalingin.

Kaya naman, kailangan nating matutong magpakumbaba at gumawa ng unang hakbang tungo sa pagkakasundo. Huwag nating hayaang maging pader ang ating pride na maglalayo sa atin sa mga taong mahal natin. Kung may nasaktan tayo, magkaroon sana tayo ng lakas ng loob na taos-pusong humingi ng tawad.

Kung may nakasakit naman sa atin, ipanalangin natin na pagkalooban tayo ng Diyos ng pusong marunong magpatawad. At kung may nasirang relasyon, gawin natin ang ating bahagi upang maibalik ang kapayapaan at pagmamahalan, habang nagtitiwala na kumikilos ang Diyos sa ating mga puso, kahit nangangailangan ng panahon ang pagkakasundo.

Ang paghingi ng tawad ay hindi tanda ng kahinaan. Ito ay pagpapakita ng kababaang-loob, pag-ibig, at katapangan. Maaaring hindi natin makontrol kung paano tutugon sa atin ang ibang tao, ngunit maaari nating piliing gawin ang tama sa harap ng Diyos. Kapag taos-puso tayong humihingi ng tawad at nagsisikap na maibalik ang kapayapaan, binubuksan natin ang ating mga puso upang kumilos ang Panginoon sa ating buhay at akayin tayo sa kapayapaang matagal nang hinahanap ng ating mga puso.

Kaya tanungin natin ang ating sarili: Mayroon ba tayong kailangang puntahan upang humingi ng tawad? Mayroon ba tayong kailangang patawarin? Mayroon ba tayong kailangang sabihan ng mga salitang, “Patawarin mo ako”? Handa ba tayong isantabi ang ating pride at gumawa ng unang hakbang tungo sa pagkakasundo ngayon, bago pa maging isang malalim at mahirap nang pagalingin na sugat ang isang alitang maaari pa naman nating ayusin?— Marino J. Dasmarinas

Wednesday, October 21, 2026

Reflection for October 22 Thursday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time: Luke 12:49-53


Gospel: Luke 12:49-53
Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth on fire, and how I wish it were already blazing! There is a baptism with which I must be baptized, and how great is my anguish until it is accomplished! Do you think that I have come to establish peace on the earth? 

No, I tell you, but rather division. From now on a household of five will be divided, three against two and two against three; a father will be divided against his son and a son against his father, a mother against her daughter and a daughter against her mother, a mother-in-law against her daughter-in-law and a daughter-in-law against her mother-in-law.”

+ + + + + + +
Reflection:
The story is told of two childhood best friends who grew up together and eventually attended the same university. One day, the first friend noticed that something was not right with his best friend’s behavior. He asked him if something was wrong, but the second friend replied that there was nothing to worry about because everything was fine.

A few days later, the second friend was caught by the school authorities using illegal drugs. The first friend, who was a devout follower of Jesus, urged his best friend to straighten out his life. He even told him that if he continued down that path, he would have to distance himself from him.

All along, we may have viewed Jesus as a unifying force and a man of peace. And indeed, He is our Lord of peace and the source of our unity. Yet, in the Gospel, we also encounter another aspect of His mission: His teachings can become a source of division and conflict, even among family members and friends.

Why? Because following Jesus does not always make everyone happy with us. Sometimes, choosing what is right means standing against what is wrong, even when doing so displeases the people we love. Jesus challenges us to examine our lives, abandon our sinful ways, and remain faithful to God, even when the cost of doing so is painful.

For example, if some members of our family refuse to attend Sunday Mass, should we simply keep quiet and let things be? Of course not! We can gently remind them of the importance of worshipping God and celebrating the Holy Eucharist. We must do so with patience, understanding, and love, remembering that our purpose is not to condemn them but to help them grow closer to Jesus.

Here is another example: Suppose a member of our family becomes pregnant outside marriage, and someone suggests abortion as a solution. Should we remain silent and simply agree with that suggestion? No. As followers of Jesus, we are called to uphold the dignity and sacredness of human life while offering compassionate support to the mother.

We must accompany her with love, help her explore life-affirming options, and assure her that she does not have to face her difficult situation alone. Our Christian convictions must be expressed not only through the words we speak but also through the compassion and support we offer.

Indeed, being a true follower of Jesus requires courage. We cannot always remain silent just to avoid disagreements or preserve our relationships at the expense of our Christian convictions. There are times when we must speak up for what is right, even when our words are unpopular and our decisions are misunderstood.

However, we must also remember that correcting others does not mean forcing our beliefs on them or treating them as though we are better than they are. We, too, are sinners who need God's mercy, forgiveness, and guidance. Therefore, whenever we correct someone who is going astray, let us do so with humility, gentleness, and genuine concern for that person's spiritual well-being. Let our words be firm enough to uphold the truth but gentle enough to show the love of Jesus.

Sometimes, our efforts to guide others back to the right path may lead to disagreements, hurt feelings, or even temporary separation. When this happens, let us not immediately give up on them. We cannot force anyone to change, nor can we control the decisions of those we love. What we can do is continue to pray for them, set a good example, and patiently entrust them to God's loving care.

After all, our responsibility is not to win every argument but to remain faithful to Jesus. If others listen to our words, let us rejoice and continue encouraging them. If they refuse to listen, let us remain patient and continue loving them without compromising the truth. Sometimes, the seed of faith we plant today may take a long time to grow, but we must never underestimate what God's grace can accomplish in a person's heart.

Let us remember that following Jesus is not always the easiest path, but it is always a call to love, truth, and faithfulness. He does not call us to create unnecessary divisions; He calls us to remain faithful to the truth even when that faithfulness exposes differences between us and the people we love.

And so, when we are faced with a choice between pleasing others and standing for what is right, will we have the courage to remain faithful to Jesus, speaking the truth with love, showing compassion to those who disagree with us, and trusting God to touch the hearts of those we cannot change?— Marino J. Dasmarinas 

Ang Mabuting Balita at Repleksyon sa Oktubre 22 Huwebes sa Ika-29 Linggo ng Karaniwang Panahon: Lucas 12:49-53


Mabuting Balita: Lucas 12:49-53
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa -- at sana'y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga't hindi natutupad ito! Akala ba ninyo'y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa?

Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkabaha-bahagi. Mula ngayon, ang lima katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, ang ina at ang anak na babae, at gayon din ang biyenang babae, at manugang na babae."

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang kuwento tungkol sa dalawang matalik na magkaibigan mula pa noong kanilang kabataan. Magkasama silang lumaki at kalaunan ay nag-aral sa iisang unibersidad. Isang araw, napansin ng unang kaibigan na tila may kakaiba sa ikinikilos ng kanyang matalik na kaibigan. Tinanong niya ito kung may problema ba, ngunit sumagot ang pangalawang kaibigan na wala siyang dapat ipag-alala dahil maayos naman ang lahat.

Pagkalipas ng ilang araw, nahuli ng mga awtoridad ng kanilang paaralan ang pangalawang kaibigan na gumagamit ng ilegal na droga. Ang unang kaibigan, na isang debotong tagasunod ni Hesus, ay pinayuhan ang kanyang matalik na kaibigan na ituwid ang kanyang buhay. Sinabi pa niya na kung magpapatuloy ito sa maling landas, mapipilitan siyang dumistansya sa kanya.

Marahil, nakasanayan nating tingnan si Hesus bilang bukal ng pagkakaisa at Panginoon ng kapayapaan. At tunay ngang Siya ang ating Panginoon ng kapayapaan at bukal ng ating pagkakaisa. Gayunman, ipinakikita rin sa atin ng Ebanghelyo ang isa pang bahagi ng Kanyang misyon: ang Kanyang mga aral ay maaaring magdulot ng pagkakahati-hati at hindi pagkakaunawaan, maging sa loob ng pamilya at sa pagitan ng magkakaibigan.

Bakit? Sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay matutuwa ang mga tao sa atin kapag sinusunod natin si Hesus. May mga pagkakataong ang pagpili sa tama ay nangangahulugang pagtindig laban sa mali, kahit hindi ito ikasiya ng mga taong mahal natin. Hinahamon tayo ni Hesus na suriin ang ating buhay, talikuran ang ating mga kasalanan, at manatiling tapat sa Diyos, kahit mahirap at masakit ang kapalit nito.

Halimbawa, kung may mga miyembro ng ating pamilya na ayaw nang magsimba tuwing Linggo, dapat ba tayong manahimik na lamang at hayaan silang gawin ang kanilang nais? Siyempre, hindi! Maaari natin silang mahinahong paalalahanan tungkol sa kahalagahan ng pagsamba sa Diyos at pakikibahagi sa Banal na Eukaristiya. Gawin natin ito nang may pagtitiyaga, pang-unawa, at pagmamahal. Tandaan natin na hindi natin layuning kondenahin sila, kundi tulungan silang higit na mapalapit kay Hesus.

Narito ang isa pang halimbawa. Ipagpalagay nating may isang miyembro ng ating pamilya na nabuntis nang hindi kasal, at may nagmumungkahi na magpalaglag bilang solusyon. Dapat ba tayong manahimik na lamang at sumang-ayon sa mungkahing ito? Hindi. Bilang mga tagasunod ni Hesus, tinatawag tayong ipagtanggol ang dignidad at kabanalan ng buhay ng tao habang nagbibigay ng mahabagin at mapagmahal na suporta sa ina.

Samahan natin siya sa kanyang pinagdaraanan, tulungan siyang humanap ng mga paraang nagpapahalaga sa buhay, at iparamdam sa kanya na hindi niya kailangang harapin nang nag-iisa ang mabigat na sitwasyong ito. Ang ating pananampalatayang Kristiyano ay hindi lamang dapat makita sa ating mga sinasabi, kundi higit sa lahat, sa habag, malasakit, at tulong na ating ibinibigay.

Tunay ngang nangangailangan ng tapang ang pagiging tunay na tagasunod ni Hesus. Hindi tayo maaaring palaging manahimik dahil lamang nais nating maiwasan ang hindi pagkakaunawaan o mapanatili ang ating mga relasyon, kapalit naman ng pagtalikod sa ating mga paninindigang Kristiyano. May mga pagkakataong kailangan nating magsalita at manindigan para sa tama, kahit hindi ito popular at kahit hindi tayo maunawaan ng iba.

Gayunman, tandaan din natin na ang pagtutuwid sa iba ay hindi nangangahulugang dapat nating ipilit ang ating paniniwala o ituring ang ating sarili na mas mabuti kaysa kanila. Tayo man ay mga makasalanang nangangailangan ng awa, kapatawaran, at patnubay ng Diyos.

Kaya kapag itinutuwid natin ang isang taong naliligaw ng landas, gawin natin ito nang may kababaang-loob, kahinahunan, at tunay na malasakit sa kanyang espirituwal na kapakanan. Maging matatag nawa ang ating mga salita sa pagtatanggol sa katotohanan, ngunit manatiling mahinahon at mapagmahal ang ating paraan ng pagsasalita, tulad ng ipinakikita sa atin ni Hesus.

May mga pagkakataong ang ating pagsisikap na akayin ang iba pabalik sa tamang landas ay magdudulot ng hindi pagkakaunawaan, sama ng loob, o pansamantalang paglayo ng loob. Kapag nangyari ito, huwag tayong agad sumuko sa kanila. Hindi natin mapipilit ang sinuman na magbago, at hindi rin natin kayang kontrolin ang mga pasiya ng mga taong mahal natin. Ang magagawa natin ay patuloy silang ipanalangin, maging mabuting halimbawa sa kanila, at buong pagtitiwalang ipaubaya sila sa mapagmahal na pangangalaga ng Diyos.

Tandaan natin na hindi natin kailangang manalo sa bawat pagtatalo upang maging tapat kay Hesus. Kung pakikinggan ng iba ang ating mga paalala, magalak tayo at patuloy silang palakasin sa kanilang pananampalataya. Kung hindi naman sila makikinig, manatili tayong matiyaga at patuloy silang mahalin nang hindi isinasakripisyo ang katotohanan. Maaaring matagal bago tumubo ang binhi ng pananampalatayang itinanim natin ngayon, ngunit huwag nating maliitin ang magagawa ng biyaya ng Diyos sa puso ng isang tao.

Ang pagsunod kay Hesus ay hindi nangangahulugang palaging magiging madali ang ating buhay. Sa halip, ito ay isang panawagan na mamuhay nang may pagmamahal, katotohanan, at katapatan sa Diyos. Hindi Niya tayo tinatawag upang sadyang lumikha ng pagkakawatak-watak. Tinatawag Niya tayong manatiling tapat sa katotohanan, kahit may mga pagkakataong ang ating paninindigan ay maglalantad ng pagkakaiba natin sa mga taong mahal natin.

Kaya kapag dumating ang pagkakataong kailangan nating mamili sa pagitan ng pagpapalugod sa mga tao at paninindigan sa tama, magkakaroon ba tayo ng lakas ng loob na manatiling tapat kay Hesus, magsalita nang may pagmamahal, magpakita ng habag sa mga hindi sumasang-ayon sa atin, at magtiwalang kayang hipuin ng Diyos ang puso ng mga taong hindi natin kayang baguhin?—Marino J. Dasmarinas 

Reflection for October 21 Wednesday of the 29th Week in Ordinary Time: Luke 12:39-48


Gospel: Luke 12:39-48
Jesus said to his disciples: “Be sure of this: if the master of the house had known the hour when the thief was coming, he would not have let his house be broken into. You also must be prepared, for at an hour you do not expect, the Son of Man will come.” 

Then Peter said, “Lord, is this parable meant for us or for everyone?” And the Lord replied, “Who, then, is the faithful and prudent steward whom the master will put in charge of his servants to distribute the food allowance at the proper time? Blessed is that servant whom his master on arrival finds doing so. 

Truly, I say to you, he will put him in charge of all his property. But if that servant says to himself, ‘My master is delayed in coming,’ and begins to beat the menservants and the maidservants, to eat and drink and get drunk, then that servant’s master will come on an unexpected day and at an unknown hour and will punish the servant severely and assign him a place with the unfaithful. 

That servant who knew his master’s will but did not make preparations nor act in accord with his will shall be beaten severely; and the servant who was ignorant of his master’s will but acted in a way deserving of a severe beating shall be beaten only lightly. Much will be required of the person entrusted with much, and still more will be demanded of the person entrusted with more.”

+ + + + +  + +
Reflection:
When a typhoon is about to hit a certain area, the government always reminds its citizens to prepare for the coming storm or even relocate temporarily to a safer place. The reason behind this is very simple: to protect lives and properties. Those who heed the call to prepare and take the necessary precautions increase their chances of surviving the storm, while those who ignore the warnings put themselves and their loved ones at risk.

In today's Gospel, Jesus once again calls us to be prepared, for He will come into our lives when we least expect Him. But does Jesus really come to us without any prior warning? Does He truly surprise us with His sudden presence, leaving us completely unaware?

Before Jesus comes into our lives in a special way, He first knocks on the doors of our hearts, inviting us to open them and embrace His offer of renewal with open arms. Through His words, the people He sends into our lives, and the circumstances we encounter each day, He gently reminds us to prepare ourselves and welcome Him.

However, there are times when we pretend not to hear His call even when we hear it. We continue living in sin despite His constant invitation to repent and renew our lives. We become so attached to our sinful ways that we ignore His loving reminders.

But what happens when we repeatedly refuse to listen? We eventually have to face the painful consequences of our choices. Not because Jesus wants us to suffer, but because our refusal to listen to Him leads us away from the life of grace and peace He desires for us.

Nevertheless, nothing is set in stone. As long as we are still breathing, there is always an opportunity to listen to the voice of Jesus. His voice reaches us through the people around us and even through the events that unfold in our lives.

Sometimes, He speaks through someone who corrects us, someone who reminds us to do what is right, or an experience that makes us realize how far we have wandered from Him. These are among the many ways He lovingly calls us to turn away from our sins and embrace a renewed life with Him.

Let us never ignore these opportunities for conversion. Let us not wait until suffering, regret, or the painful consequences of our actions awaken us to the importance of listening to Jesus. Every day is an opportunity to open our hearts to Him. Every moment is an opportunity to turn away from sin and allow His grace to transform us.

In the Book of Revelation, the Lord tells us: “I reprimand and correct all those I love. Be earnest and change your ways. Look, I stand at the door and knock. If anyone hears my call and opens the door, I will come into him and have supper with him” (Revelation 3:19–20).

What a beautiful reminder of God's love for us! Jesus does not stop knocking even when we repeatedly fail Him. He continues to call us because He wants us to experience the joy of living in His presence. He does not force His way into our hearts; He patiently waits for us to open the door. The decision, therefore, rests with us.

When Jesus knocks on the doors of our hearts today through His words, the people around us, and the circumstances of our lives, will we continue pretending not to hear Him, or will we finally open the door, turn away from our sins, and allow Him to transform our lives?—Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Oktubre 21, Miyerkules ng Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 12:39-48


Mabuting Balita: Lucas 12:39-48
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kayo ma'y dapat humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan." 

Itinanong ni Pedro, "Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?" Tumugon ang Panginoon, "Sino nga ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba siya ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon? Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon pagbabalik ng kanyang panginoon. 

Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. Ngunit kung sabihin sa sarili ng aliping iyon, 'Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,' at simulan niyang bugbugin ang ibang aliping lalaki at babae, at kumain, uminom, at maglasing, darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga di-tapat. 

"At ang aliping nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit hindi naghanda ni sumunod sa kalooban nito ay tatanggap ng mabigat na parusa. Ngunit ang aliping hindi nakaaalam ng kalooban ng kanyang panginoon at gumawa ng mga bagay na nararapat niyang pagdusahan ay tatanggap ng magaang na parusa. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin sa lalong maraming bagay."

+ + + + + + +  
Repleksyon:
Kapag may paparating na bagyo sa isang lugar, palaging nagpapaalala ang pamahalaan sa mga mamamayan na maghanda at, kung kinakailangan, pansamantalang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar. Napakasimple ng dahilan nito: upang mapangalagaan ang buhay at ari-arian.

Ang mga nakikinig sa paalala at naghahanda ay nagkakaroon ng mas malaking pagkakataong makaligtas sa bagyo, samantalang ang mga nagwawalang-bahala sa mga babala ay naglalagay sa panganib hindi lamang ng kanilang sarili kundi pati ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sa Ebanghelyo ngayon, muli tayong tinatawag ni Hesus na maging handa sapagkat darating Siya sa ating buhay sa panahong hindi natin inaasahan. Ngunit totoo bang dumarating si Hesus nang walang anumang paunang babala? Talaga bang bigla na lamang Siyang sumusulpot sa ating buhay kaya nahuhuli na tayo at hindi nakahanda?

Bago pumasok si Hesus sa ating buhay sa isang natatanging paraan, kumakatok muna Siya sa pintuan ng ating puso. Inaanyayahan Niya tayong buksan ito at buong pusong yakapin ang Kanyang alok na pagbabago at panibagong buhay. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, ng mga taong ipinadadala Niya sa ating buhay, at ng mga pangyayaring ating nararanasan araw-araw, mahinahon Niya tayong pinaaalalahanang maghanda at tanggapin Siya.

Gayunman, may mga pagkakataong nagbibingi-bingihan tayo sa Kanyang panawagan kahit malinaw naman nating naririnig ito. Patuloy nating niyayakap ang ating makasalanang pamumuhay sa kabila ng walang sawang paanyaya ni Hesus na magsisi at magbagong-buhay. Minsan, labis tayong kumakapit sa ating mga maling nakagawian kaya ipinagwawalang-bahala natin ang Kanyang mapagmahal na mga paalala.

Ngunit ano ang mangyayari kung patuloy nating tatanggihan ang Kanyang panawagan? Darating ang panahon na haharapin natin ang masasakit na bunga ng ating mga maling pagpapasya. Hindi dahil nais ni Hesus na magdusa tayo, kundi dahil ang pagtanggi nating makinig sa Kanya ang naglalayo sa atin sa buhay ng biyaya at kapayapaang nais Niyang ipagkaloob sa atin.

Gayunpaman, hindi pa huli ang lahat. Hangga't tayo ay humihinga, palaging may pagkakataon upang pakinggan ang tinig ni Hesus. Nagsasalita Siya sa atin sa pamamagitan ng mga taong nakapaligid sa atin at maging sa mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay. Minsan, nagsasalita Siya sa pamamagitan ng isang taong nagtatama sa ating pagkakamali, isang taong nagpapaalala sa atin na gawin ang tama, o isang karanasang nagpapamulat sa atin kung gaano na tayo kalayo sa Kanya.

Ang lahat ng ito ay ilan lamang sa mga paraan kung paano Niya tayo buong pagmamahal na tinatawag upang talikuran ang ating mga kasalanan at yakapin ang panibagong buhay na kasama Siya. Huwag nating sayangin ang mga pagkakataong ito upang magbalik-loob sa Diyos.

Huwag na nating hintayin pang dumating ang matinding pagdurusa, pagsisisi, o masasakit na bunga ng ating mga pagkakamali bago natin matanto ang kahalagahan ng pakikinig kay Hesus. Bawat araw ay pagkakataon upang buksan natin ang ating puso sa Kanya. Bawat sandali ay pagkakataon upang talikuran ang kasalanan at hayaan ang Kanyang biyaya na baguhin ang ating buhay.

Sa aklat ng Pahayag, sinasabi sa atin ng Panginoon:

Sinasaway ko't pinapalo ang lahat ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't talikuran ang iyong mga kasalanan. Tingnan mo! Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya. (Pahayag 3:19–20).

Napakaganda ng paalalang ito tungkol sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin! Hindi tumitigil si Hesus sa pagkatok kahit paulit-ulit natin Siyang binibigo. Patuloy Niya tayong tinatawag sapagkat nais Niyang maranasan natin ang kagalakang dulot ng pamumuhay na kasama Siya. Hindi Niya ipinipilit ang Kanyang sarili sa ating puso; matiyaga Siyang naghihintay na buksan natin ang pintuan nito. Nasa atin ang pagpapasyang tanggapin Siya o patuloy na talikuran ang Kanyang paanyaya.

Kapag kumatok si Hesus sa pintuan ng ating puso ngayon sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, ng mga taong nakapaligid sa atin, at ng mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay, magbibingi-bingihan pa ba tayo, o sa wakas ay bubuksan na natin ang ating puso, tatalikuran ang ating mga kasalanan, at hahayaan Siyang ganap na baguhin ang ating buhay?— Marino J. Dasmarinas

Reflection for October 20 Tuesday of the 29th Week in Ordinary Time: Luke 12:35-38


Gospel: Luke 12:35-38
Jesus said to his disciples: “Gird your loins and light your lamps and be like servants who await their master’s return from a wedding, ready to open immediately when he comes and knocks. Blessed are those servants whom the master finds vigilant on his arrival. 

Amen, I say to you, he will gird himself, have them recline at table, and proceed to wait on them. And should he come in the second or third watch and find them prepared in this way blessed are those servants.

+ + + + + + +
Reflection:
Are we always prepared for anything that may happen to us?

There is no substitute for being ready and prepared. Take death, for example. It is one of the most dreaded realities that none of us wants to experience. But whether we like it or not, death will eventually come to us; we simply do not know when.

Being prepared for whatever may happen gives us a sense of security. Whatever comes our way, we can face it with courage and acceptance because we have made the necessary preparations. In every aspect of life, preparation is essential, and this is precisely what the Gospel is teaching us today.

As servants of God, we should always be prepared for whatever eventualities may come our way. But more importantly, we must prepare ourselves for the day when we will finally come face-to-face with our Lord Jesus. The best preparation we can ever make is to nurture a personal and loving relationship with Him through the Sacraments, prayer, and our faithful participation in Holy Mass.

Do we regularly receive the Sacrament of Reconciliation? Do we lead prayerful lives? Do we faithfully make time to attend Holy Mass? These are not merely religious practices; they are ways of keeping our hearts close to Jesus and preparing ourselves for eternal life with Him.

In the Gospel, Jesus tells His disciples that they must always be prepared. He uses the parable of the master returning from a wedding feast to teach them the importance of being watchful and ready. This same reminder is meant for all of us today.

We do not know the hour when the Lord will call us home, but we can choose how we live each day. We can choose to remain faithful, to pray, to repent when we fall into sin, and to love and serve God and our fellowmen.

Let us therefore never allow the concerns, pleasures, and attractions of this world to make us forget what truly matters. Our time on earth is limited, but the eternal life Jesus promises is beyond measure. Let us make every day an opportunity to grow closer to Him, so that whenever He comes to call us, we will be ready to welcome Him with hearts filled with faith, love, and hope.

If Jesus were to call us home today, would He find us ready, faithfully living in His love, or would He find us still too attached to this passing world to let go and follow Him?– Marino J. Dasmarinas

Ang Mabuting Balita at Repleksyon Oktubre 20 Martes ng Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 12:35-38


Mabuting Balita: Lucas 12:35-38
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon.

Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating.”

+ + + + + + +
Repleksyon:
Handa ba tayo sa anumang maaaring mangyari sa ating buhay?

Walang makapapalit sa pagiging handa at palaging nakahanda. Isaalang-alang natin, halimbawa, ang kamatayan. Isa ito sa mga katotohanan sa buhay na pinakanatatakutan nating lahat at walang sinuman sa atin ang nagnanais na maranasan. Ngunit gustuhin man natin o hindi, darating at darating ang kamatayan; hindi lamang natin alam kung kailan ito mangyayari.

Ang pagiging handa sa anumang maaaring mangyari ay nagbibigay sa atin ng kapanatagan ng kalooban. Anuman ang dumating sa ating buhay, mas kaya natin itong harapin at tanggapin dahil naghanda tayo para rito. Sa bawat aspeto ng ating buhay, mahalaga ang paghahanda. At ito mismo ang itinuturo sa atin ng Ebanghelyo ngayon.

Bilang mga lingkod ng Diyos, nararapat na lagi tayong maging handa sa anumang maaaring mangyari sa ating buhay. Ngunit higit sa lahat, kailangan nating ihanda ang ating sarili sa araw na haharap na tayo sa ating Panginoong Hesus. Ang pinakamainam na paghahanda na magagawa natin ay ang patuloy na paglinang ng isang personal at mapagmahal na ugnayan sa Kanya sa pamamagitan ng mga Sakramento, panalangin, at tapat na pakikibahagi sa Banal na Misa.

Regular ba nating tinatanggap ang Sakramento ng Kumpisal? Namumuhay ba tayo nang may pananalangin? Tapat ba nating inilalaan ang ating panahon upang makadalo sa Banal na Misa? Hindi lamang mga gawaing panrelihiyon ang mga ito; mga paraan din ito upang manatiling malapit ang ating puso kay Hesus at maihanda ang ating sarili sa buhay na walang hanggan. 

Sa Ebanghelyo, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad na lagi silang dapat maging handa. Ginamit Niya ang talinghaga tungkol sa pagbabalik ng panginoon mula sa isang piging ng kasalan upang ituro sa kanila ang kahalagahan ng pagiging mapagbantay at laging handa. Ang paalalang ito ay para rin sa ating lahat sa kasalukuyan.

Hindi natin alam kung kailan tayo tatawagin ng Panginoon upang umuwi sa Kanya, ngunit maaari nating piliin kung paano natin gugugulin ang bawat araw ng ating buhay. Maaari nating piliing manatiling tapat sa Kanya, manalangin, magsisi sa tuwing tayo ay nagkakasala, at magmahal at maglingkod sa Diyos at sa ating kapwa.

Kaya huwag nating hayaang malimutan natin ang mga bagay na tunay na mahalaga dahil lamang sa mga alalahanin, kalayawan, at pang-akit ng mundong ito. May hangganan ang panahon ng ating buhay sa mundo, ngunit ang buhay na walang hanggan na ipinangako ni Hesus ay walang katapusan.

Gawin nating pagkakataon ang bawat araw upang higit na mapalapit sa Kanya. Sa gayon, anumang oras Niya tayo tawagin, handa natin Siyang salubungin nang may pusong puno ng pananampalataya, pagmamahal, at pag-asa.

Kung tatawagin tayo ni Hesus upang humarap sa Kanya sa araw na ito, matatagpuan ba Niya tayong handang-handa at namumuhay nang tapat sa Kanyang pagmamahal, o matatagpuan Niya tayong labis pa ring nakakapit sa mga bagay na pansamantala lamang sa mundong ito kaya nahihirapan tayong bumitaw at sumunod sa Kanya?—Marino J. Dasmarinas