Mabuting
Balita: Mateo 13:44-46
"Ang kaharian ng langit ay katulad ng
kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao ngunit agad itong
tinabunan. Tuwang-tuwa siyang umalis at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian
upang bilhin ang bukid na iyon." Ang
kaharian ng langit ay katulad din ng isang negosyante na naghahanap ng mga
mamahaling perlas. Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi
siya't ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na
iyon."