LET US PRAY FOR THE HEALING OF POPE FRANCIS.

Saturday, February 15, 2025

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 16 Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 6:17, 20-26


Mabuting Balita: Lucas 6:17, 20-26
Noong panahong iyon, bumaba si Hesus, kasama ang Labindalawa, at tumayo siya sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. 

Tumingin si Hesus sa mga alagad at kanyang sinabi, “Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo!” “Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo’y bubusugin!” “Mapalad kayong mga tumatangis ngayon, sapagkat kayo’y magagalak!” 

“Mapalad kayo kung dahil sa Anak ng Tao kayo’y kinapopootan, ipinagtatabuyan at inaalimura ng mga tao, at pati ang inyong pangalan ay kinasusuklaman. Magalak kayo at lumukso sa tuwa kung ito’y mangyari, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit — gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.”

“Ngunit sa aba ninyong mayayaman ngayon, sapagkat nagtamasa na kayo ng kaginhawahan!” “Sa aba ninyong mga busog ngayon, sapagkat kayo’y magugutom!” “Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon, sapagkat kayo’y magdadalamhati at magsisitangis!”

“Sa aba ninyo, kung kayo’y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayun din ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga bulaang propeta.” 

No comments: