Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus
sa mga tao, "Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? Katulad sila ng
mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro, 'Tinugtugan
namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi
kayo tumangis!'
Sapagkat naparito si Juan na nag-aayuno at di uminom ng alak, at sinabi nila, 'Inaalihan siya ng demonyo!' Naparito rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom, at sinasabi naman nila, 'Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!' Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa."
No comments:
Post a Comment