Noo'y araw ng Paghahanda, at ayaw ng
mga Judio na manatili sa krus ang bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat
dakila ang Araw ng Pamamahingang ito. Kaya't hiniling nila kay Pilato na
ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga
bangkay.
Naparoon
nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni
Jesus.Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila
binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang
tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.
Ang nakakita nito ang nagpapatotoo -- tunay ang kanyang patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya -- upang kayo'y maniwala. Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulatan, "Walang mababali isa man sa kanyang mga buto." At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan, "Pagmamasdan nila ang kanilang inulos."
No comments:
Post a Comment