Noong
panahong iyon, tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad at pinapunta sa
Panginoon upang itanong, “Kayo po ba ang paririto, o maghihintay pa kami ng
iba?” Pagdating nila kay Hesus ay kanilang sinabi, “Pinaparito po kami ni Juan
Bautista at ipinatatanong kung kayo ang paririto o maghihintay pa kami ng iba.”
Nang
mga sandaling yaon ay maraming pinagaling si Hesus: mga pinahihirapan ng
karamdaman, at mga inaalihan ng masasamang espiritu. Ipinagkaloob niyang
makakita ang mga bulag. Sinabi niya sa kanila pagkatapos, “Bumalik kayo kay
Juan at sabihin ang inyong nakita at narinig: nakakikita ang mga bulag,
nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga
bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang
Mabuting Balita. Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”
No comments:
Post a Comment