Monday, December 13, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 15 Miyerkules sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Lucas 7:18b-23


Mabuting Balita:
Lucas 7:18b-23
Ibinalita ng mga alagad ni Juan ang lahat ng ito sa kanya kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad 19 at sinugo sila sa Panginoon para sabihin sa kanya: “Ikaw na ba ang Dumarating o maghihintay pa kami ng iba?” 20 Pagdating ng mga taong iyon kay Jesus, sinabi nila: “Ipinasasabi sa iyo ni Juan Bautista: Ikaw na ba ang Dumarating o maghihintay pa kami ng iba?” 

21 Nang mga sandali namang iyo’y marami siyang pinagaling sa mga sakit, mga karamdaman at masasamang  espiritu, at binigyan niya ng paningin ang mga bulag. 22 Kaya sumagot siya sa kanila: “Bumalik kayo at ibalita kay Juan ang inyong nakita at narinig: nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, lumilinis ang mga ketongin at nakakarinig ang mga bingi, nagigising ang mga patay, may mabuting balitang ipinahahayag sa mga dukha. 23 At napaka-palad niyang hindi natitisod dahil sa akin.”

No comments: