Sunday, June 20, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Hunyo 22, Martes sa Ika-12 Linggo ng Taon: Mateo 7:6, 12-14


Mabuting Balita: 
Mateo 7:6, 12-14
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Huwag ibigay ang banal sa mga aso o itapon ang inyong perlas sa mga baboy, at baka yapakan nila ito at balikan kayo at lapain. 

12 Kaya gawin ninyo sa iba ang gusto ninyong gawin sa inyo, ito ang nasa Batas at Mga Propeta.13 Pumasok sa makipot na pinto sapagkat malapad ang pintuan at malawak ang daan papunta sa kapariwaraan, at marami ang pumapasok doon. 14 Napa­­kakipot naman ang pintong papunta sa buhay at mabalakid ang daan at kakaunti ang mga naka­ka­tagpo rito.

No comments: